top of page

Pamimigay ng ayuda, magulo raw… MAYOR ISKO, SAPUL KAY P-DU30

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 11, 2021


ree

Binatikos ni Presidente Rodrigo Duterte ang isang mayor sa Metro Manila dahil diumano sa magulong pagpapatupad at pamimigay ng financial aid sa kanyang mga constituents. Ikinumpara ni Pres. Duterte ang naturang mayor sa "trained like a call boy" at "disorganized mind."


Duda ng marami, ang mayor ng Maynila na si Isko Moreno ang tinutukoy ni Pres. Duterte.


May pa-"added clue" pa ang pangulo sa mayor na tinawag niyang "trained like a call boy" na iba lang ang descriptions pero malapit na malapit sa mga pinagdaanan ni Yorme nu'ng nag-aartista siya.


Si Yorme raw kasi ang "flavor of the month" ngayon ng Duterte administration pagkatapos umalma ng Manila mayor sa kumalat na balitang 'di puwedeng lumabas ang wala pang bakuna. Aside of course sa nababalitang pagtakbo ni Yorme bilang presidente sa 2022 national elections.


Pahayag ni Pres. Duterte, "Iyan ang gusto ninyo? Ang training, parang call boy. Naghuhubad, nagpi-picture, naka-bikini, tapos 'yung garter, tinatanggal niya."


Eh, sino'ng mayor ba na nakaupo ngayon ang gumawa nito dati? Alangan namang si Pasig City Mayor Vico Sotto? Lalo namang dehins si QC Mayor Joy Belmonte.


Mas umigting ang paniniwala ng mga netizens na si Yorme ang tinutukoy ni Pres. Duterte dahil nagbigay siya ng hint na gustong maging presidente ng Pilipinas ng naturang mayor.


“Iyan ang training ng presidente, maghubad at magpa-picture at magsilip,” banggit pa ni Pres. Duterte.


We wonder kung sasagutin ito ni Yorme. Kunsabagay, hindi naman lihim 'yan, as if napakalaking kabawasan kay Mayor Isko ang kanyang nakaraan sa showbiz.


In fact, he's proud pa nga na ikinuwento niya sa amin last time we had an interview with him sa set visit ng kanyang biopic titled Yorme, directed by Joven Tan and produced by Saranggola Media Productions, na may piktyur siya na nakasuot lang ng trunks.


At ang naturang piktyur ay kuha ng isa sa mga talent managers na inirerespeto sa showbiz, walang iba kundi ang yumaong si Douglas Quijano na dating manager nina Ormoc City Mayor Richard Gomez, former Parañaque Mayor Joey Marquez at Anjo Yllana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page