top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Pamilya ng GF, super-bait daw sa kanya… ZAIJIAN, UMAMING 1 ½ YR. NA SILA NI GELA

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | October 24, 2026



Maria Angela Atayde

Photo: IG Maria Angela Atayde



Super proud and happy si Zaijian Jaranilla sa relasyon nila ng aktres na si Gela Atayde.

Kinumpirma na rin finally ng aktor ang relasyon nila nang makausap siya ng entertainment press sa mediacon ng QCinema International Film Festival na ginanap last Thursday.


Isa sa cast si Zaijian ng short film na Sana’y Nandito Ka na kasali sa nasabing festival.

Dito nga siya nausisa kung kumusta na sila ni Gela.

“Naku, okay naman po kami,” aniya. 


Kumusta naman si Gela as a girlfriend?


“Sobrang solid po n’ya, sobra s’yang understanding at ‘yun, mahal na mahal po naman namin ang isa’t isa kaya ‘yun, okay naman,” saad ng dating child actor.


Natanong din ang magandang relasyon ni Zaijian sa pamilya Atayde sa pangunguna of course ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.


“Sobrang bait po ng family nila, wala akong masabi sa bait po ng pamilya nila,” aniya.

When asked kung gaano na sila katagal, aniya ay mag-iisang taon at kalahati na raw.

Nabanggit din ni Zaijian earlier na nag-iipon siya at masayang-masaya siya na sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanya. Kaya naman naitanong sa aktor kung pinaghahandaan na ba niya ang kasal nila ni Gela.


“Kasal?” sey niya sabay tawa. 

Paliwanag niya, “Naku, 25 pa lang po ako, bata pa po ako, wala pa po sa isip ko ‘yun. Kailangang maging stable ka muna – mentally, physically at s’yempre, ‘yun, financially.”


Samantala, muling nagbabalik ang QCinema International Film Festival para sa ika-14 na edisyon nito mula Nobyembre 13 hanggang 22, 2026 tampok ang malawak na seleksiyon ng mga pelikula mula sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo.


Bitbit ang temang ‘Genre’teurs’, pagsasamahin ng festival ang genre filmmaking at auteur cinema, o mga pelikulang may natatanging estilo at malikhaing pananaw ng kanilang direktor. Patuloy din nitong ipinagdiriwang ang pagkilala sa Quezon City bilang isa sa dalawang lungsod sa Southeast Asia na itinalagang UNESCO Creative City of Film.


Ang animated film na Ella Arcangel: Ballad of Tooth and Claw (Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko) ang napiling opening film sa nasabing festival. Ito ay pinagbibidahan ni Bianca Umali bilang boses ng papel na manananggal. Idinirehe naman ito ni Mervin Malonzo at hango sa komiks ni Julius Villanueva.


Magsisilbi namang closing film ang live-action adaptation ng kinikilalang manga na Look Back ni Tatsuki Fujimoto directed by award-winning Japanese filmmaker Hirokazu Kore-eda.


Sentro ng temang ‘Genre’teurs’ ng QCinema 2026 ang main competition section, bold directorial debuts and second features, mga kuwentong tumatalakay sa karanasan ng LGBTQIA+ community, at mga makabagong short film mula sa Pilipinas at Southeast Asia.   


Mapapanood ang mga pelikulang kasali sa QCinema 2026 mula November 13 to 22, 2026 at Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office, and SM Cinema – SM City Fairview.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page