Pamilya, bitbit din… SHARON, PROUD NA INALOK SA SERIES SA TATE, BABU SA 'PINAS
ni Julie Bonifacio @Winner | January 28, 2024

Plano ni Megastar Sharon Cuneta na magpakalayu-layo sa bansa, not because tuluyan na niyang hihiwalayan ang kanyang mister na dating senador na si Kiko Pangilinan.
Hindi personal ang dahilan ni Mega kaya gusto niyang umalis ng bansa. In fact, isasama niya raw ang kanyang pamilya 'pag umalis siya ng Pilipinas.
Nakatanggap kasi ang US management ni Sharon ng inquiry “for a series” kung saan regular ang role niya at kukunan abroad.
Ipinost ni Sharon sa kanyang Facebook page kahapon ang natanggap niyang letter kung saan nakadetalye kung ano ang role niya, saan at kailan isu-shoot ang gagawin niyang proyekto.
May mga tinakpan lamang si Sharon na detalye for confidentiality, of course.
Caption ni Mega sa kanyang FB post, “From my U.S. management. I think I wanna do this! But waiting for my scheds pa here. 'Pag natuloy ito, hay, salamat, malalayo ako ng konting tagal sa Pilipinas, sama ko pamilya ko! Thinking hard and praying pa."
Target ng nag-inquire sa US management ni Sharon her schedule on May.
Natuwa siyempre pa ang mga Sharonians sa bagong balitang ito for her, and wishing na matuloy.
Remember, during pandemic ay may gagawin din dapat na movie si Sharon para sa sikat at controversial international stand-up comic na si Jo Koy, ang Easter Sunday noong 2021.
Kasado na ang lahat kaya lang nagkaproblema dahil sa pagkalito ni Sharon sa schedule.
At pagkatapos, nu’ng lilipad na siya, lumabas sa unang test na positive ito sa COVID-19.
Kaya nagka-delay-delay na siya sa pagdating sa US.
Hopefully, matuloy na talaga ang international stint na ito ni Sharon. At sana nga, makasama niya ang kanyang pamilya doon including KC Concepcion na mas madalas ay sa Amerika na naglalagi.
Waiting na lang sa alok ng partido…
ATTY. ACOSTA, GAME NANG TUMAKBONG SENADOR

Tila nakita na ni PAO (Public Attorney’s Office) Chief Atty. Persida R. Acosta ang ika-apat na sign para makumbinse siya na tumakbong senador sa susunod na halalan.
Sa ginanap na oath-taking ng bagong officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC), muling natanong si Atty. Persida sa possibility ng pagpasok niya sa pulitika.
Personally, natanggap na niya sa sarili na okey na siya na pasukin din ang pulitika. It’s a matter of kung may mag-aalok sa kanya na partido or whoever na may malaking political clout.
Sa ngayon ay ipinagpapasa-Diyos na lang muna niya ang lahat. Naniniwala siya na kapag kalooban ng Panginoon, walang puwedeng humadlang dito.
Anyway, pinasumpa ni Atty. Acosta ang mga bagong halal na opisyal ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) sa pangunguna ng bagong presidente ng club na si Rodel Fernando.
At the same time, pinasalamatan ni Atty. Acosta ang grupo sa suportang patuloy na ibinibigay ng PMPC sa kanya at sa PAO sa maraming mga taon.
"Dalawang dekada na pong partner ng PAO ang PMPC, isang non-government institution, NGO. Sila ang nagpapadalisay at nagpapatanyag ng mga artista, mga mang-aawit, mga entertainer natin,” lahad niya.
Dagdag pa niya, “Maraming salamat po, PMPC, sa inyong pagbibigay ng pagkakataon sa akin na maging inducting officer. Kumbaga, sa akin kayo manunumpa para magampanan n'yo ang inyong mga tungkulin nang buong katapatan at giting. Marami pong salamat!"





Comments