top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pambato bilang Best Actor… ARJO, FIRST PINOY NA NOMINADO SA ASIAN CONTENT AWARD SA SOUTH KOREA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 5, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 05, 2023



Aminado si Sylvia Sanchez na hindi lang siya napantayan ng anak na si Arjo Atayde pagdating sa mga achievements kundi nalampasan pa raw siya nito.


“I don’t think na napapantayan niya (ako). Nalampasan na niya ako. Nalampasan na ako ni Arjo.


Yes, aminado ako and thankful ako, kasi anak ko ‘yun,” proud na sabi ni Ibyang nang makatsikahan namin sa red-carpet celebrity screening ng Japanese film na Monster na ginanap last Tuesday, Oct. 3 at SM Megamall.


Si Arjo ang idineklarang national winner or representative ng Pilipinas for Best Actor in a Leading Role for Cattleya Killer sa gaganaping Asian Academy Awards 2023 sa Singapore sa Disyembre.


Bukod dito ay nominated din ang aktor as Best Lead Actor for the same TV series sa Asian Content Awards (ACA) 2023 happening on October 8 in Busan, South Korea.


Sobrang excited ni Ibyang lalo na nga ang nomination sa Busan dahil first time raw na may na-nominate na Pinoy Best Actor at idol niya ang isa sa matitinding kalaban ng anak na si South Korean actor Ryu Seung-ryong para naman sa Moving K-drama.


“Isa sa matitinding kalaban ni Arjo (sa ACA), natutuwa ako, kasi idol ko rin, si Ryu Seung-ryong, ‘yung lead star ng Miracle in Cell No. 7. Ang gagaling ng mga kalaban niya,” masayang sabi ni Ibyang.


“So, lilipad kami ng Busan, lilipad kami ng Singapore,” sambit pa niya.


Siyempre, sobrang happy ng premyadong aktres sa double international nomination ng kanyang anak.


“Natutuwa nga ako 'pag merong naa-achieve ‘yung mga artista abroad, natutuwa ako para sa kanila. What more kung anak ko? Anak ko ‘yun, eh, ‘di ba?” she added.


Samantala, si Ibyang ang isa sa mga producers ng Monster under Nathan Studios na produksiyon ng kanilang pamilya. Kasosyo rin nila rito si Lorna Tolentino (na present din sa celebrity screening) at ang 888 Films International.


Ayon nga sa kuwento ni LT, binili nila ang Monster nang magtungo sila nina Ibyang at Ria Atayde sa 76th Cannes Film Festival kamakailan at nakita nilang pinipilahan daw talaga ang pelikula na siyang nanalong Best Screenplay sa naturang prestihiyosong international filmfest.


Directed by Hirokazu Kore-eda and written by Yuji Sakamoto, umiikot ang istorya ng Monster sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambu-bully at isinusulong nito ang kahalagahan ng malusog na pag-iisip o ng mental health.


Bida sa nasabing pelikula ang magagaling na Japanese actors na sina Sakura Andō, Eita Nagayama, Sōya Kurokawa, Hinata Hiiragi, at Yūko Tanaka.


Mapapanood na ang Monster sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa darating na Oktubre 11.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page