Pambabastos sa kababaihan hindi parte ng freedom of speech
- BULGAR

- Apr 11, 2025
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 11, 2025

MALAPIT NANG MAWALAN NG PAGKAKAKITAAN ANG MGA BAYARANG FAKE NEWS VLOGGERS -- Sa pagdinig ng Tri-Committee ng Kamara ay nangako ang Meta, kumpanyang may-ari ng Facebook na makikipagtulungan sila sa Philippine gov’t. para labanan ang fake news sa social media.
Dahil sa statement na iyan ng Meta tiyak natorete ang mga bayarang fake news vlogger kasi nakikita na nila na malapit na silang mawalan ng pagkakakitaan sa paggawa ng
mga fake news, period!
XXX
KAPAG HINDI TINIGILAN NG PSA ANG KAPI-FAKE NEWS BAKA TAMAAN SILA SA GAGAWING PAGLABAN NG META SA FAKE NEWS -- Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba raw ang bilang ng mga nawalan ng trabaho sa ‘Pinas.
Dahil sa sinabing iyan ng PSA ay pinutakti na naman sila ng batikos sa social media kasi nga maituturing itong fake news dahil sa totoo lang, ang daming jobless Pinoy sa bansa.
Kapag hindi tinigilan ng PSA ang kapi-fake news para lang pabanguhin ang Marcos admin, malamang pati sila (PSA) tamaan sa gagawing paglaban ng Meta sa fake news, boom!
XXX
ANG PAMBABASTOS SA KABABAIHAN HINDI PARTE NG FREEDOM OF SPEECH -- Ayon kay Atty. Ian Sia, kandidato sa pagka-kongresista ng Pasig City na bahagi raw ng freedom of speech ang sinabi niyang puwedeng pumila sa kanya ang mga babaeng solo parent.
Sablay ang palusot na iyan ni Atty. Sia dahil ang pambabastos sa kababaihan ay hindi puwedeng maging parte ng freedom of speech, period!
XXX
PARA HINDI MAWALAN NG HANAPBUHAY, DAPAT IWASAN MUNA NG MGA KAWANI NG GOBYERNO MAG-LIKE, COMMENT AT SHARE SA POST NG MGA KANDIDATO -- Nagpalabas ng kautusan ang Civil Service Commission (CSC) sa mga kawani ng pamahalaan na nagbabawal sa mga ito na mag-like, mag-comment at mag-share sa mga post sa social media ng mga kandidato dahil kapag ito ay kanilang nilabag, magdudulot ito upang sila ay mawalan ng trabaho.
Napakasimple ng panawagan ng CSC kaya para hindi sila mawalan ng hanapbuhay, dapat sundin ng mga kawani ng gobyerno ang panawagan ng CSC, boom!







Comments