top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pambababae, oks lang daw… CARLA, GALIT PA RIN KAY REY PJ SA PAGKAMPI KAY TOM

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 13, 2023



Totoo kaya ang chikang hanggang ngayon ay hindi pa raw kinakausap ni Carla Abellana ang kanyang dad na si Rey "PJ" Abellana dahil sa pagkampi nito sa kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez?


Sa kainitan kasi ng isyu sa paghihiwalay nina Carla at Tom ay nag-comment si Rey PJ sa isang interview na hindi naman malaking kasalanan kung totoo man na may naka-one- night-stand si Tom. Lalaki rin si Rey PJ at naiintindihan niya na minsan ay hindi nakakaiwas sa tukso ang kanyang manugang.


Pero minasama nga raw ito ni Carla kaya nagtampo sa kanyang Papa Rey PJ.


Well, hindi naman totally masisisi si Carla kung masyado siyang nasaktan at naapektuhan sa paghihiwalay nila ni Tom. May mga babae talaga na hindi basta matanggap kapag nagkamali-nagkasala ang kanilang karelasyon. Wala nang second chance at matagal silang makalimot at makapagpatawad.


Ganunpaman, dumating na rin naman si Carla sa puntong wala na siyang sakit na nararamdaman sa nangyari sa marriage nila ni Tom. Siguro naman, puwede na ring kausapin-patawarin ni Carla ang kanyang Papa Rey PJ.


Hindi naman siguro matutulad si Rey PJ kay Dennis Padilla na hanggang ngayon ay tinitikis at hindi pa matanggap ni Marjorie Barretto at ng kanilang mga anak.


'Wag hayaan ni Carla na magkaroon siya ng "Stolen Life" dahil lang sa galit at sama ng loob lalo na't maganda pa rin ang status ng kanyang career at marami pang magagandang blessings na dumarating sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page