top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pamana ng madir… HEART, NAWALAN NG DIAMOND EARRINGS AFTER MAGPA-SELFIE ANG FAN

  • BULGAR
  • Mar 17, 2021
  • 1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 17, 2021




Nawalan ng diamond earrings si Heart Evangelista nang minsang dumalo siya sa isang awards night.


Suot niya noon ang diamond-studded niyang hikaw na pamana pa sa kanya ng kanyang Mommy Cecille. Nahirapan nga siyang ipagtapat sa ina na nawawala ang isa niyang diamond earrings na bigay nito sa kanya.


Ang natatandaan ni Heart nang mawala ang kanyang diamond earrings, may fan na lumapit sa kanya at nagpa-selfie nang pauwi na siya after ng awards night.


At nang hawakan niya ang kanyang tenga, doon niya nalamang wala na ang kapares ng hikaw na suot niya.


Mabuti na lang daw at hindi nagalit ang kanyang Mommy Cecille nang sabihin niya ang nangyari.


Samantala, may jewelry collection din si Heart ng Cartier atbp. pero minabuti niyang sa safe deposit ng bangko na lamang ipatago for security reasons.


Hindi rin niya ipinakikita ang kanyang mga alahas sa kanyang mga vlogs. Tanging ang collection niya ng designer's bags, shoes at mga damit ang nasisilip sa kanyang closet tour-vlog. Ito kasi ang request ng kanyang mga fans at kanya namang pinagbigyan.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page