Pamamaril sa Senado, fake! — PBBM
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 30, 2026

Photo: Courtesy Eloisa Lopez-Reuters
Matinding ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tumitinding tensyon sa Senado sa nakalipas na mga linggo, kabilang ang kontrobersyal na insidente ng pamamaril na kanyang tinawag na “fake”.
Sa press conference sa sidelines ng kanyang state visit sa Japan, sinabi ni Marcos na dating nagsilbing senador, na ang mga diskusyon sa Senado ay tila naging mababaw at personal na ang atake.
Nagbigay din ng komento ang Chief Executive sa barilan sa Senado na kinasasangkutan ng Office of the Sergeant-at-Arms at ang National Bureau of Investigation.
“Tapos narating pa tayo sa putukan. Tapos fake pala ‘yung putukan… Hindi ko maintindihan. Walang nangyayaring kagaya n’yan nu’ng panahon ko sa Senado,” punto ni PBBM.
“I never imagined that the Senate would descend into this kind of what’s happening right now,” patuloy niya.





Comments