top of page
Ellen Adarna - IG.jpg

Veteran journalist Lustre, inaresto sa cyber libel

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 25, 2026



Philip Lustre arestado sa kasong cyber libel

Photo: Ang mamamahayag na si Philip Lustre, habang pinoposasan ng mga tauhan ng District Anti-Cybercrime Team ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa inilabas na warrant of arrest sa kanya ng Davao City Court kaugnay ng kasong cyber libel. (Jeff Tumbado)



Inaresto ng mga pulis ang beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. ilang minuto matapos ang “Saturday News Forum” ng House of Representatives, batay sa warrant of arrest na inilabas ng isang korte sa Davao City kaugnay ng kasong cyber libel.


Alas-11:10 ng umaga nang ganap na isilbi ang arrest warrant kay Lustre, 74, sa Dapo Restaurant sa Scout Borromeo Street, Quezon City, ng mga tauhan ng District Anti-Cybercrime Team ng Quezon City Police District (QCPD).


Napag-alaman na galing sa Branch 10 ng Regional Trial Court, Davao City ang naturang warrant.


Ayon naman kay Lustre, wala siyang nalalaman tungkol sa anumang reklamong isinampa laban sa kanya.


Nagsilbing panauhin sa news forum ang abogado na si Dino De Leon, na siyang magsisilbing legal counsel ni Lustre.


Sinabi ni De Leon na magpo-post sila ng piyansa at hihiling ng makataong konsiderasyon dahil senior citizen na ang mamamahayag.


Plano rin ng legal team na maghain ng mosyon upang ipawalang-bisa ang arrest order.

Si Lustre rin ang may-akda ng aklat na “Kill, Kill, Kill,” na tumatalakay sa kampanya sa dating administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page