15-anyos na estudyante, pauwi galing concert, niratrat

by Jeff Tumbado @News | October 25, 2026

Photo: Circulated / Natura View
Patay ang isang 15-anyos na estudyante habang sugatan naman ang dalawa pang indibidwal matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Talacogon, Agusan del Sur, madaling-araw nitong Sabado, Oktubre 24.
Naganap ang insidente habang naglalakad pauwi ang mga biktima matapos dumalo sa isang concert na inorganisa ng lokal na pamahalaan, alas-2 ng madaling-araw.
Sa ulat ng Agusan del Sur Police Provincial Office na isinumite sa Police Regional Office 13, idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Nasugatan naman ang magkapatid na edad 13 at 23.
Agad na isinugod ang dalawa sa ospital upang mabigyan ng agarang lunas.
Tinatayang isang kilometro lamang ang layo ng pinangyarihan ng krimen sa himpilan ng pulisya sa bayan.





Comments