Pamamahagi ng formula milk sa panahon ng kalamidad, ilegal
- BULGAR
- Aug 23, 2024
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 23, 2024

Dear Chief Acosta,
Ang grupo naming magkakaibigan ay nagpaplano na magsagawa ng donation drive upang matulungan ang mga naapektuhan ng kamakailang kalamidad. Kami ay nagbabalak na mangolekta ng mga formula milk at ipamahagi ito sa mga nangangailangang mga ina at mga bata. Legal bang mamahagi ng mga formula milk sa mga nangangailangan nito? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat.
-- Lucy
Dear Lucy,
Ang karapatan sa sapat na pangangalaga, pagkain, at nutrisyon ng mga bata ay higit na binibigyang halaga ng ating pamahalaan. Lubos na kinakailangan ng mga bata ang agarang atensyon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan, lalo na sa panahon ng sakuna o kalamidad.
Sa ilalim ng Seksyon 11 ng Republic Act (RA) No. 11148 o ang “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act”, ipinagbabawal ang pamamahagi ng formula milk sa mga ina at mga bata pagkatapos ng kalamidad. Ayon dito:
“Section 11. Nutrition in the Aftermath of Natural Disasters and Calamities. – Areas that are affected by disasters and emergency situations, both natural and man-made must be prioritized in the delivery of health and nutrition services, and psychosocial services interventions. NGAs and LGUs are mandated to immediately provide emergency services, food supplies for proper nourishment of pregnant and lactating mothers, and children, specifically those from zero (0) to two (2) years old. Women, infant and child-friendly spaces shall be prepared and ready to accommodate women and their children, provide their daily necessities such as food, clothing, clean water, and shelter; readily available breastfeeding support and counselling for those with children up to two (2) years or beyond, as well as provision and guidance on the appropriate complementary food for children over six (6) months old.
Donations of milk formula, breastmilk substitutes, and/or products covered by the Milk Code without the approval of the Inter-Agency Committee (IAC) created under Executive Order No. 51, Series of 1986, shall be prohibited in order to protect the health and nutrition of pregnant and lactating women, infants and young children before, during and after a disaster.”
Ang mga donasyon ng milk formula, breastmilk substitutes, at/o mga produkto na sakop ng Milk Code of the Philippines nang walang pahintulot ng Inter-Agency Committee (IAC) ay ipinagbabawal upang maprotektahan ang kalusugan at nutrisyon ng mga buntis at nagpapasusong ina, mga sanggol at maliliit na bata bago, habang at pagkatapos ng kalamidad.
Ang mga kabilang sa sakop ng Executive Order No. 51, Series of 1986, o Milk Code of the Philippines, ay matatagpuan sa Seksyon 3 ng nasabing batas:
“Sec. 3. Scope of the Code - The Code applies to the marketing, and practices related thereto, of the following products: breastmilk substitutes, including infant formula; other milk products, foods and beverages, including bottle-fed complementary foods, when marketed or otherwise represented to be suitable, with or without modification, for use as a partial or total replacement of breastmilk; feeding bottles and teats. It also applies to their quality and availability, and to information concerning their use.”
Sa ilalim ng Milk Code of the Philippines, ang mga sumusunod ay ipinagbabawal bilang donasyon sa mga ina at bata kaugnay ng RA No. 11148:
Pamalit sa gatas ng mga ina, kabilang ang formula milk;
Iba pang mga produkto ng gatas, pagkain at inumin, kabilang ang mga bottle-fed complementary foods kung ito ay ibinebenta o ipinapakitang angkop bilang kapalit ng gatas ng ina; at
Mga boteng dedehan at tsupon ng mga bata.
Upang sagutin ang iyong katanungan, ang sinumang mangongolekta at mamamahagi ng formula milk sa mga ina o maliliit na bata sa panahon o pagkatapos ng mga kalamidad ng walang pahintulot ng angkop na tanggapan ay maaaring maharap sa kaukulang parusa ayon sa ating batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.








Comments