top of page

Palusot ng Malacañang, ‘di raw isinusulong ni PBBM ma-impeach si VP Sara

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 16
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 16, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAHIL MALABO NANG MA-IMPEACH KAYA PALUSOT NG MALACANANG, ‘DI RAW ISINUSULONG NI PBBM ANG IMPEACHMENT NI VP SARA -- May palusot ang Malacanang sa isyung impeachment trial kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, na ayon kay Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro ay hindi naman daw isinusulong ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na ma-impeach si VP Sara.


Kaya natin nasabing palusot ito ng Malacanang kasi alam na nila na malabo nang ma-impeach si VP Sara dahil anim lang sa mga kandidato ni PBBM sa pagka-senador ang nagwagi, at ang dalawa pa sa mga iyan na sina reelectionist Sen. Pia Cayetano at Las Pinas City Rep. Camille Villar ay kaalyado din ng pamilya Duterte, idagdag pa ang pagkapanalo nina reelectionist Senators Bong Go, Ronald Dela Rosa, Imee Marcos, Sagip Partylist Rodante Marcoleta, period!


XXX


SANA SUPORTAHAN NG MGA SEN. AT CONG. ANG ISUSULONG NI CHEL DIOKNO NA IPAGBAWAL MAGING NOMINADO SA PARTYLIST ANG MULA SA POLITICAL DYNASTY -- Magsusulong si incoming Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno ng panukalang batas na ipagbabawal sa mga partylist ang mag-nominee ng kandidatong mula sa political dynasty.


Sana suportahan iyan ng majority senators and congressmen para matigil na ang pamamayagpag ng mga partylist na “pag-aari” ng mga political dynasty, boom!


XXX


LABAN SA PAGKA-SENATE PRESIDENT, CHIZ ESCUDERO VS TITO SOTTO -- Isa si former Senate President Tito Sotto sa nagwagi sa nakaraang halalan, at ayon sa kanya, kung iendorso siya ng mga kasamahan niyang senador na lumaban sa pagkapangulo muli ng Senado ay tatanggapin daw niya ang hamon na pamunuan ulit ang Senate of the Philippines.


Isa ngayon ‘yan sa aabangan ng publiko, Sen. Tito Sotto vs Sen. Chiz Escudero sa pagka-pangulo ng Senado, period!


XXX


NAGWAGI SI YORME ISKO KAYA MAMAMAYAGPAG NA NAMAN ANG MGA RAKET NG ILEGALISTANG SINA ‘BOY ABANG’ AT ‘LORNA’ SA MAYNILA -- Nagwagi sa pagka-alkalde ng Maynila si Yorme Isko Moreno.


Dahil diyan ay asahan nang mamamayagpag na naman ang mga raket ng ilegalistang sina "Boy Abang" at "Lorna," buset!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page