top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Paliwanag tungkol sa “Mobile Number Portability Act”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 04, 2021



Dear Chief Acosta,

Gusto ko na lumipat ng ibang cellphone network, ngunit ayaw ko namang magpalit ng numero dahil marami nang nakakaalam nito at kailangan ko ito sa trabaho. Mayroon bang batas na nakasasakop dito upang hindi na ako mahirapan sa aking sitwasyon? – Faye


Dear Faye,

Saklaw ng Republic Act No. 11202, o ng “Mobile Number Portability Act” ang inyong suliranin. Nakasaad dito na layunin ng pamahalaan na bigyan ang consumer ng kalayaang pumili ng network provider ayon sa kalidad ng serbisyo, presyo at iba pang nais nilang isaalang-alang. Gayundin, isa sa mga hangarin sa pagpapatupad ng batas ang itaguyod ang kumpetisyon ng network providers at hikayatin ang mga ito na ibigay ang pinakamataas na kalidad ng serbisyo para sa kanilang mga kliyente. Nakasaad sa R. A. No. 11202 ang sumusunod:


Section 4. Definition of Terms. - As used in this Act:


Xxx


(d) Mobile Number Portability or MNP refers to the ability of a mobile postpaid or prepaid subscriber, who has no existing financial obligation to the donor provider, to retain an existing mobile number despite having moved from one (1) mobile service provider to another, or to change the type of subscription from postpaid to prepaid or vice versa; xxx”


Ibig sabihin ay maaari na ninyong hindi palitan ang inyong numero, tulad ng inyong nais, kahit kayo ay lilipat mula sa mobile service provider tungo sa isa pa, o kung magpapalit kayo mula postpaid tungo sa prepaid o kabaligtaran nito.


Kabilang din sa batas ang pagbabawal sa dagdag-singil o interconnection charge para sa lokal na tawag at text messaging. Narito ang espisipikong probisyon ng nasabing batas:


“Section 9. Non-imposition of Interconnection Fee or Charge. - Consistent with the basic premise of this legislation to promote consumer welfare by fostering freedom of choice, no interconnection fee or charge shall be imposed by any mobile service provider for domestic calls and SMS made by a subscriber after the effectivity of this Act.” (ibid.)


Unang itinakda ang pagpapatupad ng batas noong Enero, ngunit iniurong ito sa katapusan ng Setyembre ngayong taon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page