top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pakyawan na itey! RICO, DYOWA NA, MENTOR AT PRODUCER PA NI MARIS

BULGAR
Jun 28, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | June 28, 2021




Walang masyadong larawan sa kani-kanyang Instagram account na magkasama si Maris Racal at ang boyfriend nitong si Rico Blanco.


Ang last post ni Maris ng picture nila ni Rico ay nu’ng nagpabakuna sila last June 12 pa at kahapon lang ulit nasundan.


Ipinost ng actress ang rap challenge ng song niyang Ate Sandali at si Rico ang nagpapatugtog ng keyboard.


Sa IG account naman ni Rico, dalawang magkasunod na posts niya ang tungkol sa single ni Maris na Ate Sandali at aniya pa, “Too many things to love about this release.”


Nang magtanong kung siya ang producer ng song, aniya, “Yes, I did. Thank you!”


Sa record company ni Rico na Balcony Entertainment ini-release ang naturang single.

Okay lang siguro kay Rico ang label sa kanya ng mga netizens na mentor/producer/jowa dahil masaya naman sila sa relasyon nila ni Maris.


May mga shippers na sina Rico at Maris at gaya sa mom ng aktres at mga supporters ng dalawa, hindi isyu sa kanila ang age gap ng magkasintahan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page