Pakakasalan pa rin si Arjo… MAINE, OKS LANG KAHIT IWANAN NG MGA FANS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 18, 2021

Dead serious nga si Arjo Atayde kay Maine Mendoza, kaya sa kanyang mga interviews ay nababanggit na niyang plano na niyang pakasalan si Yaya Dub.
Wala na silang itinatago sa kanilang relasyon at matagal nang inamin ni Maine sa publiko na si Arjo ang kanyang boyfriend. Screen partners lang sila ni Alden Richards at wala silang relasyon sa tunay na buhay.
Mahirap tanggapin para sa AlDub fans ang katotohanan. Hindi sila bumibitaw at patuloy na umaasang babalik din ang tambalang AlDub. Maraming fans ang nagdarasal para muling ibalik ang love team nina Alden at Maine.
Pero, mahirap mabuhay sa pagkukunwari. Hindi nagpadikta si Maine sa kanyang mga tagahanga. Ayaw niyang dayain at paasahin ang mga AlDub fanatics. Hindi siya nag-alala na iiwanan siya ng mga fans kapag hindi si Alden ang kanyang nakatuluyan.
Masakit man ang katotohanan, si Arjo Atayde pala ang talagang minahal noon ni Maine Mendoza.
Tiyak na aabangan ng lahat ang magaganap na kasalang Maine-Arjo.





Comments