top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pak, ganern! HIRIT NG MGA PINOY: SHARON, SUMIKAT AT YUMAMAN SA 'PINAS, BIGLANG INIWAN SA ERE

BULGAR
May 21, 2021
1 min read

SA TAKOT SA COVID


Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 21, 2021




Dahil hindi naman ipinaalam ni Megastar Sharon Cuneta ang tunay na dahilan ng kanyang biglaang pagpunta sa USA, marami sa mga nakabasa ng kanyang latest post ang nagsasabing umiwas lang daw pala siya sa COVID pandemic kaya mas minabuti na sa Los Angeles, California na lang magpabakuna.


Open kasi sa Amerika ang pagpapabakuna kahit sa mga turista. Mabilis pa ang proseso kumpara rito sa 'Pinas na may mga kategoryang sinusunod kung sino ang priority.


At dahil si Sharon Cuneta ay greencard holder at US citizen, madali na siyang nabakunahan nang dumating siya sa Los Angeles, California.


Masayang-masaya at nag-e-enjoy na siya roon ngayon. Halos ayaw na nga niyang bumalik pa ng 'Pinas. Doon na rin niya hihintayin ang kanyang second dose ng Moderna vaccine. Kaya, sa June na siya makakabalik ng bansa.


Sentimyento naman ng ilang netizens kay Megastar ay sa 'Pinas daw siya sumikat nang husto, minahal at sinuportahan ng kanyang mga Pinoy fans. Dito na rin siya yumaman nang husto dahil tinangkilik ng kanyang mga kababayan ang lahat ng kanyang pelikula at concerts. Tapos, nagkaroon lang ng COVID pandemic, mukhang handa na niyang iwan at talikuran ang 'Pinas?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page