top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pahiya, ex, tinawag na isnabero… SHARON, TODO-PA-CUTE PA RIN KAY GABBY, DINEDEDMA LANG

  • BULGAR
  • Mar 29, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 29, 2021




Pagkatapos tawaging ‘Papi’ ni Sharon Cuneta ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion, sinabihan naman niya itong isnabero.


Wala kasing reaksiyon ang dating asawa sa ipinost ni Megastar na throwback picture nila kasama ang anak nilang si KC Concepcion.


Nilagyan ito ni Shawie ng caption na: “This girl is the very best thing we ever did together @itskcconcepcion. Right, Papi?” at saka itinag ang ex-hubby.


Hindi ito ang unang beses na itinag ng singer-actress sa kanyang socmed account ang Kapuso actor, pero kahit minsan ay never na nag-react or nagkomento si Gabby.


Super-kilig pa naman ang kanilang mga tagahanga kaya nag-aabang sila sa magiging sagot ni Gabby sa tag ng kanyang former wife.


Maging ang mga fans ay hinahanap si Gabby.


Komento pa ng isang netizen, “Papi, sa'n na u?? @concepciongabby”


Sinagot ng Megastar ang tanong ng tagahanga, “Isnabero ‘yan, ‘di ko nga ‘lam bakit, eh, ‘lam ko okay naman kami! ‘Di ko na ‘lam!”


Ang isang fan ay humiling naman na magkaapo na ang Megastar.

Wish nito, “Sana, magkaapo na rin kayo.”


“Inip na inip na nga ako!”sagot naman ni Shawie.


Dugtong pa ng Megastar, “Kahit magpa-surrogate na lang si Kayce, masaya na, basta eggs n’ya.”


Isang fan naman ni Gabby ang nagtanggol sa aktor at sey nito, “Nasa locked-in taping po ng First Yaya si Sir Gabby. Sori po kung ‘di siya makapag-reply, Ma’am Sharon.”


Sagot naman ng isang fanatic ng Megastar, “Hindi naman siguro mahirap pumindot ng like or thumbs up, 'di ba?”


May ganu’n?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page