top of page

Pagtatalaga ni PBBM kay Bonoan sa DPWH, sablay, may anak palang kontraktor

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 11, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MAHUSAY NA NAGAMPANAN NI SEN. BONG GO ANG PAGIGING CHAIRMAN NG COMMITTEE ON HEALTH, TAPOS TINANGGAL DITO NI NEWLY ELECTED SP TITO SOTTO -- Ang pinaka-bad na nangyari sa pagpapalit ng liderato sa Senado ay nang alisin ni newly elected Senate President Tito Sotto si Sen. Bong Go bilang chairman ng Senate Committee on Health and Demography, at ang komite na ito ay ibinigay kay Sen. Risa Hontiveros.


Mahusay na ginampanan ni Sen. Bong Go ang pamumuno sa Committee on Health, isinulong niya ang Malasakit Center Act kaya naging free hospitalization na ang mga pampublikong ospital. Itinaguyod niya ang Super Health Center na inilalagay sa bawat lungsod at munisipalidad para naman sa libreng laboratory test, ultrasound, paanakan, at may isolation room. Nagsulong din siya na dagdagan ng kama ang mga public hospital para hindi nagsisiksikan sa isang kama ang mga pasyente. Isinulong niya na magkaroon ng Philippine Senior Citizens Hospital para sa mga lolo at lola. Itinaguyod niya ang Overseas Filipino Workers Hospital para rito na magpagamot ang mga OFW pati ang kanilang mga pamilya. Ipinaglalaban niya ang karapatan ng mga health workers. Isinulong niya na mapagkalooban ng PhilHealth card ang lahat ng mga Pilipino. Ipinaglaban niyang maibalik sa PhilHealth ang higit P74 billion na tinanggal sa Bicameral Conference Committee, at marami pa siyang nagawa para sa health care ng sambayanang Pinoy.


Sa kabila ng mga nagawang ito ni Sen. Bong Go at marami pa sana siyang gagawin para sa kapakanan ng mamamayan, tinanggal siya ni SP Sotto bilang chairman ng Committee on Health, tsk!


XXX


NABULGAR NA ANG APPOINTEE NOON NI PBBM SA DPWH NA SI ENGR. BONOAN, MAY ANAK PALANG KONTRAKTOR -- Ibinulgar ni Sen. Ping Lacson na si resigned DPWH Sec. Bonoan ay may anak palang kontraktor na nakakopo rin ng mga kontrata sa gobyerno.


Sablay pala ang pagtatalaga noon ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kay Engr. Manuel Bonoan bilang kalihim ng DPWH, boom! 


XXX


IMBES HUMIRIT NG MARATHON HEARING SI ATTY. KAUFMAN SA ICC PARA MABILIS MAKALAYA SI FPRRD, PINA-POSTPONE PA KAYA ASAHANG MAGTATAGAL SA ICC JAIL ANG EX-PRESIDENT -- Sablay yata ang defense counsel ni former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) dahil  imbes humirit ng marathon hearing at ipakita nila ang husay sa pagtatanggol sa ex-president upang makalaya at makauwi na ito ng Pilipinas, mantakin n’yong pina-postpone pa ni Atty. Nicholas Kaufman ang nakatakda sanang hearing sa Sept. 23, 2025 sa International Criminal Court (ICC).


Dahil diyan ay asahan nang lalong magtatagal sa pagkakakulong ang dating presidente sa ICC jail sa The Netherlands, tsk! 


XXX


PARA MATIGIL ANG PANGRARAKET NI ALYAS ‘MELAD’ SA MGA TAGA-TUGUEGARAO CITY, DAPAT IPAHULI NA NI MAYORA MAILA TING QUE KAY COL. URANI -- Isang alyas "Melad" daw ang may raket na puwesto-pihong "dice" sa Tuguegarao City.


Dapat ipahuli agad ni Mayora Maila Ting Que kay city chief of police Col. Darwin Urani si "Melad" para matigil na ang pangraraket nito sa mga taga-Tuguegarao City, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page