Pagtatago ng homoseksuwalidad, maaaring mapawalang-bisa ang kasal
- BULGAR
- 2 days ago
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 16, 2025

Dear Chief Acosta,
Habang ginagamit ko ang aming kompyuter sa sala, nakita ko sa internet history ang mga maseselan at sexual na tema sa pagitan ng mga lalaki. Kung kaya’t kinausap ko ang asawa kong si Daniel sapagkat kaming dalawa lamang ang gumagamit ng nasabing kompyuter. Agad namang humingi ng tawad si Daniel sa akin at inamin niya na wala siyang interes sa mga babae, kundi sa mga lalaki lamang. Ani niya ay pinakasalan lamang niya ako upang mapatunayan niya sa kanyang mga magulang na siya ay isang tunay na lalaki. Kaya pala sa isang taon na akong kasal kay Daniel, napansin ko na hindi siya nagpapakita ng interes sa konsumasyon ng aming kasal. Maaari bang mapawalang-bisa ang aming kasal dahil sa pagsisinungaling ng kanyang homoseksuwalidad? — Evelyn
Dear Evelyn,
Ang kaso ng pagtatago ng homoseksuwalidad ng asawa ay tinalakay na ng ating Korte Suprema sa kasong Jaaziel M. Salva-Roldan vs. Lory O. Roldan and the Republic of the Philippines (G.R. No. 268109, 03 March 2025) sa panulat ni Honorable Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., kung saan ipinaliwanag na ayon sa Family Code of the Philippines, ang pag-aasawa ay isang espesyal na kontrata ng permanenteng pagsasama sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na pinasok nila alinsunod sa batas para sa pagtatatag ng buhay mag-asawa at pamilya. Ang malayang pahintulot o consent ay kinakailangan ng mga partido sa kasal at ang kawalan nito ay maaaring maging dahilan ng pagkakawalang-bisa nito dahil sa panlilinlang. Ang patakarang ito ay nakasaad sa Artikulo 45 (3). 46 (4), at 47 (3) nito na:
“Article 45. A marriage may be annulled for any of the following causes, existing at the time of the marriage:
(3) That the consent of either party was obtained by fraud, unless such party afterwards, with full knowledge of the facts constituting the fraud, freely cohabited with the other as husband and wife;
Article 46. Any of the following circumstances shall constitute fraud referred to in Number 3 of the preceding Article:
(4) Concealment of drug addiction, habitual alcoholism or homosexuality or lesbianism existing at the time of the marriage. No other misrepresentation or deceit as to character, health, rank, fortune or chastity shall constitute such fraud as will give grounds for action for the annulment of marriage.
Article 47. The action for annulment of marriage must be filed by the following persons and within the periods indicated herein:
(3) For causes mentioned in number 3 of Article 45, by the injured party within five years after the discovery of the fraud.”
Idineklara sa nasabing kaso na ang pagtatago ng homoseksuwalidad ay maituturing na panlilinlang na maaaring makapagpawalang-bisa ng kasal na dapat isampa sa loob ng limang taon matapos matuklasan ang nasabing panlilinlang. Iyong tandaan na ang alegasyon ng kawalan ng malayang pahintulot o consent dahil sa pagtatago ng homoseksuwalidad, ay dapat mapatunayan sa pamamagitan ng preponderance of evidence. Idineklara rin sa nasabing kaso na:
“With the lies and deception, coupled by their failure to cohabit as husband and wife, it is evident that Lory merely tricked Jaaziel to marry him by making her believe that he is a heterosexual. The admission of Lory and the unexplained prolonged silence to negate the allegation as to his homosexuality cannot be taken lightly by the Court. No woman would put herself in a shameful position if the fact that she married a homosexual was not true. More so, no man would keep silent when his sexuality is being questioned thus creating disgrace in his name. It must be emphasized that Jaaziel's allegations must be proven by preponderance of evidence or the evidence that is of greater weight, or more convincing, than the evidence offered in opposition to it. Therefore, the totality of Jaaziel's evidence should be properly given weight, and thus, should be considered sufficient as against Lory's eerie silence on this matter. Hence, their marriage must be annulled on the ground of fraudulent concealment of homosexuality pursuant to Article 45(3) in relation to Article 46(4) ofthe Family Code.”
Kung kaya’t sa iyong kaso, kung iyong mapatutunayan sa korte gamit ang preponderance of evidence na inilihim sa iyo ni Daniel ang kanyang homoseksuwalidad, maaari ninyong mapawalang-bisa ang kasal sa pamamagitan ng pagsasampa ng Petition for Annulment of Marriage sa loob ng limang taon matapos umamin sa iyo si Daniel tungkol sa kanyang homoseksuwalidad.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments