Pagtanggi ng ospital sa pasyente
- BULGAR
- Sep 8, 2021
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 08, 2021
Dear Chief Acosta,
Ang aking pinsan ay nasangkot sa aksidente at siya ay itinakbo namin sa pinakamalapit na ospital sa aming baryo. Pagkarating namin sa emergency room ng nasabing ospital ay sinuri siya ng mga doktor at sinabihan kami na wala silang akmang pasilidad upang gamutin ang mga tinamong pinsala ng aking pinsan at kinakailangan na mailipat siya ng ibang ospital. Matapos siyang bigyan ng paunang lunas ay inihatid kami ng kanilang ambulansiya sa ibang ospital. Maaari ba iyon? - Luisa
Dear Luisa,
Ang batas na sumasaklaw tungkol sa inyong katanungan ay ang Republic Act No. 8344. Nakasaad sa Section 1 ng batas na ito ang sumusunod:
“SECTION 1. In emergency or serious cases, it shall be unlawful for any proprietor, president, director, manager or any other officer, and/or medical practitioner or employee of a hospital or medical clinic to request, solicit, demand or accept any deposit or any other form of advance payment as a prerequisite for confinement or medical treatment of a patient in such hospital or medical clinic or to refuse to administer medical treatment and support as dictated by good practice of medicine to prevent death or permanent disability: Provided, That by reason of inadequacy of the medical capabilities of the hospital or medical clinic, the attending physician may transfer the patient to a facility where the appropriate care can be given, after the patient or his next of kin consents to said transfer and after the receiving hospital or medical clinic agrees to the transfer: Provided, however, That when the patient is unconscious, incapable of giving consent and/or unaccompanied, the physician can transfer the patient even without his consent: Provided, further, That such transfer shall be done only after necessary emergency treatment and support have been administered to stabilize the patient and after it has been established that such transfer entails less risks than the patient’s continued confinement: Provided, furthermore, That no hospital or clinic, after being informed of the medical indications for such transfer, shall refuse to receive the patient nor demand from the patient or his next of kin any deposit or advance payment: Provided, finally, That strict compliance with the foregoing procedure on transfer shall not be construed as a refusal made punishable by this Act.” (Binigyang-diin)
Alinsunod sa nabanggit na probisyon ng batas, ang ospital ay maaaring tumanggi sa pagtanggap ng pasyente, kung ang nasabing ospital ay walang sapat na pasilidad o kakayahang gamutin ang pasyente na inilapit sa kanila. Subalit, nakasaad din sa batas na kailangan ng pahintulot ng pasyente o kanyang kamag-anak ang paglipat ng ospital, maliban na lamang kung walang malay ang pasyente o hindi makakapagbigay ng kanyang pahintulot at wala siyang kasama, at gayundin ang pagsang-ayon ng tatanggap na ospital. Nakasaad din na bago ilipat ang pasyente sa ibang ospital, kinakailangan na siya ay bigyan ng paunang lunas upang masigurado ang kaniyang kaligtasan. Ang anumang ospital na lalabag sa panuntunan na itinalaga ng batas kaugnay sa pagtanggi at maayos na paglipat ng pasyente patungo sa ibang ospital ay maaaring papanagutin.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments