Pagtaas ng bilang ng COVID-19 case sa QC, dapat agapan para ‘di ulit kumalat sa bansa
- BULGAR

- 48 minutes ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 8, 2026

'SUNTOK SA BUWAN' MA-IMPEACH SI VP SARA KASI SABI NI PRESIDING JUDGE ESCUDERO, 16 VOTES ANG KAILANGAN PARA MA-CONVICT ITO – Sinabi ni Presiding Judge Sen. Chiz Escudero na kailangan ng 16 na boto ng mga senator-judges para ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
Kumbaga, tila sinasabi na rin ni Sen. Escudero sa Marcos administration at sa Kamara na suntok sa buwan ang posibilidad na ma-convict si VP Sara sa impeachment case. Boom!
XXX
GUSTO RAW NI PBBM MA-IMPEACH SI VP SARA KAYA IMPOSIBLENG HINDI TUTUKAN NG PRESIDENTE ANG IMPEACHMENT TRIAL – Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), wala umanong plano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na tutukan o panoorin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa totoo lang, mahirap paniwalaan ang pahayag na ito dahil impeachment trial ito ng isa sa kanyang pangunahing karibal sa pulitika. Kaya para sa marami, mahirap isipin na hindi man lang ito susubaybayan ng pangulo. Period!
XXX
SEN. RISA HONTIVEROS, PINAGTAWANAN NA NAMAN SA SOCIAL MEDIA KAUGNAY SA IKINALAT NG AKBAYAN SA SOCIAL MEDIA NA 'CEBU IS RISA NA’ – Dahil sa ikinalat ng Akbayan sa social media na "Cebu is Risa na," muli na namang pinagtawanan ng mga netizen si Sen. Risa Hontiveros.
Ipinost ito ng Akbayan matapos dumalo ang nasa 2,000 katao sa inilunsad na "Risa Na" sa Cebu.
Para sa kaalaman ng publiko, mahigit 3 milyon ang mga botante sa Cebu, kaya sa dami ng botante sa lalawigan, hindi na nakapagtataka kung bakit pinagtawanan ng ilang netizen ang naturang pahayag. Boom!
XXX
DAPAT TUTUKAN NG DOH ANG PAGKALAT NG COVID-19 SA QC PARA HINDI NA KUMALAT SA IBA PANG LUGAR SA BANSA – Muling tumaas ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Quezon City.
Hay naku! Akala ng marami ay tuluyan nang nawala ang Coronavirus sa Pilipinas, pero mayroon pa rin pala.
Dapat tutukan ng Department of Health (DOH) ang sitwasyon sa Quezon City upang hindi na ito kumalat sa iba pang lugar. Kapag lumawak pa ang hawahan sa ibang lungsod at munisipalidad, baka muling pag-usapan ang iba't ibang uri ng lockdown sa bansa. Period!




Comments