Pagsuko, hihintayin na lang... Walang shoot to kill kay Bato — PNP

ni Mervin Reyes @News | November 4, 2026

Photo: File / Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB
Tinutulan ng Philippine National Police (PNP) ang panawagang gumamit ng “shoot-to-kill” approach sa pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
“The PNP does not subscribe to a shoot-to-kill approach. Our mandate is to enforce the law, not to take the law into our own hands,” ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Kaugnay ito ng mga pekeng social media post na nag-uugnay kay Rep. Lordan Suan sa naturang panawagan, na mariin niyang itinanggi.
Binigyang-diin ng PNP na dapat pairalin ang due process at karapatang pantao sa mga operasyon.
Nahaharap si Dela Rosa sa arrest warrant kaugnay ng kasong crimes against humanity sa ICC, habang may nakalaang P50 milyong pabuya para sa kanyang pagkakadakip.





Comments