top of page
Andrea Brillantes - IGjpg.jpg

Subdivision, pawnshop, target... 5 akyat-bahay, todas sa pulis

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

ni Janice Baricuatro @News | November 4, 2026



Organisadong grupo patay sa engkwentro sa operatiba ng pulisya sa Molino 3, Bacoor City, Cavite - Circulated

Photo: Organisadong grupo patay sa engkwentro sa operatiba ng pulisya sa Molino 3, Bacoor City, Cavite - Circulated



Limang sinasabing miyembro ng isang organisadong grupo ng mga magnanakaw ang nasawi matapos makasagupa ng mga operatiba ng pulisya sa Molino 3, Bacoor City, Cavite, alas-4 ng hapon kahapon.


Ayon kay Cavite Provincial Police Office Director PCol Ariel Red, kumpirmadong lima ang nasawi sa palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at ng grupo.


Batay sa paunang ulat, plano umanong magsagawa ng akyat-bahay ang mga suspek sa isang exclusive subdivision sa kahabaan ng Molino Boulevard nang mamataan ng mga awtoridad.


Nauwi sa habulan ang insidente habang sakay ng kani-kanilang sasakyan ang mga pulis at suspek bago nagkapalitan ng putok na ikinasawi ng limang suspek.


Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang pangalan ng kanilang grupo na iniuugnay din umano sa mga naganap na nakawan sa probinsiya at ilang karatig lugar partikular na ang mga nakawan sa mga jewelry at pawnshop.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page