Suma-sideline na tulak... Pulis, timbog sa P5.5M shabu

ni Mai Ancheta @News | November 4, 2026

Photo: Arestado ang isang pulis P5.5 milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operations - PDEA Region 1
Kulong ang isang pulis mula sa Pangasinan matapos mahulihan ng P5.5 milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Mapandan, Pangasinan nitong Nobyembre 3.
Ang suspek ay may ranggong Chief Master Sergeant at nakatalaga sa Mapandan Police municipal police office.
Nasamsam sa suspect ang 800 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5.5 million at hindi lisensyadong armas.
Nagpanggap na buyer ng droga ang isang operatiba ng PDEA Region 1 at kumagat sa patibong ang pulis na nagresulta sa pagkaaresto nito.





Comments