Pangulo, seryoso na raw... Abusado, magnanakaw, out sa gobyerno — PBBM

ni Mylene Alfonso @News | November 4, 2026

Photo: File / Bongbong Marcos - FB
Walang lugar sa gobyerno ang mga opisyal na nagnanakaw at umaabuso sa pondo ng bayan.
Ito ang mariing mensahe ng Malacañang sa mga mapagsamantalang opisyal kasabay ng paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kukunsintihin ang anumang budget amendments na walang sapat na dokumento, malinaw na deskripsyon at konkretong proyektong paglalaanan ng pondo.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, malinaw ang utos ng Pangulo na ang pondo ng bayan ay dapat mapakinabangan ng taumbayan at hindi mapunta sa bulsa ng sinuman.
“Hindi ito sweet talks katulad noong sinasabi ng iba. Ginawa na ng Pangulo, inumpisahan na ng Pangulo para iparamdam sa mga nang-aabuso sa pondo na wala kayong lugar at mapuwesto sa gobyerno kung kayo ay magnanakaw lang,” diin ni Castro.
Ang pahayag ay kasunod ng mga kinukuwestiyong insertion at red flags sa House version ng 2027 national budget na binabantayan ng mga business group, civil society at ilang senador.





Comments