top of page

Pagputol ng puno ng niyog kapag ito ay hindi na namumunga o matanda na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 17, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 17, 2021



Dear Chief Acosta,

Mayroon kaming mga puno ng niyog, ngunit matatanda na ang mga ito at hindi na namumunga. Nais sana naming putulin ang mga ito ngunit ang sabi ng aming kapitbahay ay mayroon diumanong batas na nagbabawal magputol ng mga ito. Ganu’n ba ‘yun? – Berto


Dear Berto,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Republic Act No. 10593, amending Republic Act No. 8048, o Coconut Preservation Act of 1995. Nabanggit sa Section 4 ng nasabing batas na:


“Sec. 4. Prohibition. — No coconut tree shall be cut except in the following cases and only after a permit had been issued therefor:


(a) When the tree is sixty (60) years old;

(b) When the tree is no longer economically productive;


(c) When the tree is disease-infested;” (Binigyang-diin.)


Samakatwid, maaaring magputol ng puno ng niyog kapag ito ay 60-taon na o kaya’y hindi na produktibo, sa kondisyong mayroon kayong kinuhang permit para rito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page