top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Pagpasok sa kindergarten, bawal laktawan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2023
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 16, 2023



Dear Chief Acosta,


Ang aking anak ay anim na taong gulang na. Hindi pa siya nagsisimulang mag-aral, ngunit siya ay nakakasulat at nakakabasa na. Kaya ang plano naming mag-asawa ay ipasok na siya bilang Grade 1 sa susunod na school year at hindi na siya idaan ng Kindergarten. Maaari ba naming gawin ito? –Vangie


Dear Vangie,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 4 ng Republic Act No. 10157, o mas kilala sa tawag na “Kindergarten Education Act”, kung saan nakasaad na:


“SEC. 4. Institutionalization of Kindergarten Education. Kindergarten education is hereby institutionalized as part of basic education and for school year 2011-2012 shall be implemented partially, and thereafter, it shall be made mandatory and compulsory for entrance to Grade 1.”


Malinaw na nakasaad sa batas na ang Kindergarten Education ay mandatory at compulsory bago makapag-enrol ang isang bata sa unang baitang. Samakatuwid, hindi maaaring laktawan ng iyong anak ang Kindergarten at dapat muna niyang tapusin ito bago siya payagang makapag-enroll sa elementarya. Kahit siya ay nakakasulat at nakakabasa na, kailangan pa rin niyang dumaan sa Kindergarten dahil parte ito ng basic education sa ating bansa. Kaya naman, kailangan niya itong tapusin at ipasa bago siya mabigyan ng pagkakataong umakyat sa unang baitang.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page