Pagpapatupad ng kasunduan sa barangay
- BULGAR
- Apr 19, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 19, 2021
Dear Chief Acosta,
Nagkasundo kami ng aking kapitbahay sa pamamagitan ng aming Punong Barangay, na siya na ang magpapagawa ng aming nasirang gate bunsod ng pagbagsak ng kanilang puno na hindi nila agad pinutol nang matamaan ng kidlat noong nakaraang taon. Subalit, magpahanggang-ngayon ay hindi nila tinupad ang kanilang pangako at sinabing walang bisa ang aming nilagdaan sa barangay. May paraan bang maipatupad ko ito? – Ness
Dear Ness,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Article 416 at 417 ng Republic Act No. 7160, o mas kilala bilang Local Government Code of the Philippines, as amended, ang sumusunod:
“SEC. 416. Effect of Amicable Settlement and Arbitration Award. - The amicable settlement and arbitration award shall have the force and effect of a final judgment of a court upon the expiration of ten (10) days from the date thereof, unless repudiation of the settlement has been made or a petition to nullify the award has been filed before the proper city or municipal court. However, this provision shall not apply to court cases settled by the lupon under the last paragraph of Section 408 of this Code, in which case the compromise settlement agreed upon by the parties before the lupon chairman or the pangkat chairman shall be submitted to the court and upon approval thereof, have the force and effect of a judgment of said court.
SEC. 417. Execution. - The amicable settlement or arbitration award may be enforced by execution by the lupon within six (6) months from the date of the settlement. After the lapse of such time, the settlement may be enforced by action in the appropriate city or municipal court.” [Binigyang-diin.]
Samakatwid, ang inyong kasunduan sa inyong barangay ay may lakas ng tulad sa naging desisyon ng Hukuman matapaos ang sampung (10) araw magmula ng inyong pagkakasundo, maliban na lamang kung ito ay ipinawalang-bisa sa nararapat na Hukuman o kaya’y hayagan itong itinanggi sa loob ng nabanggit na takdang araw. Maaari rin ninyong ipatupad ang inyong kasunduan sa loob ng anim (6) na buwan sa pamamagitan ng proseso sa barangay, at sa pagkalagpas ng panahong ito ay kinakailangan na ninyo ang pagsasampa ng naaayong aksiyon sa Municipal o Metropolitan Trial Court na nakasasakop sa inyo, upang maipatupad ang inyong naging kasunduan.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments