Pagpapatayo ng istruktura sa hindi sariling lupain
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 06, 2022
Dear Chief Acosta,
Nagpagawa ng maliit na kubo sa aking likod-bahay ang pinsan ko nang payagan ko silang pansamantalang manirahan doon. Nang sila ay umalis, sinisingil nila ako para sa kanilang naging gastusin sa nasabing kubo. Tama ba ito? – JV
Dear JV,
Para sa inyong kaalaman, ayon sa Article 449 hanggang 451 ng New Civil Code of the Philippines, ang isang builder in bad faith ay mawawalan ng karapatan sa kung ano man ang kaniyang itinayo sa lupa ng ibang tao. Ayon dito:
“Art. 449. He who builds, plants or sows in bad faith on the land of another, loses what is built, planted or sown without right to indemnity.
Art. 450. The owner of the land on which anything has been built, planted or sown in bad faith may demand the demolition of the work, or that the planting or sowing be removed, in order to replace things in their former condition at the expense of the person who built, planted or sowed; or he may compel the builder or planter to pay the price of the land, and the sower the proper rent.
Art. 451. In the cases of the two preceding articles, the landowner is entitled to damages from the builder, planter or sower.”
(Binigyang-diin)
Sa inyong sitwasyon, dahil alam ng inyong pinsan na pansamantala lamang silang maninirahan sa inyong lupain, maituturing siya bilang builder in bad faith. Dahil dito, hindi niya kayo maaaring singilin sa mga nagastos niya upang maipatayo ang nasabing kubo. Sa ganito ring pagkakataon, binibigyan din kayo ng ating batas ng karapatang manghingi ng danyos tungkol sa pagtatayo nito sa inyong ari-arian.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Good morning po s kinauukulan..
> Ibenenta po ng nanay ko ang rights namin sa Pasay City noong taong 2010,.. pero hnd nya isinangguni s aming mga anak.. apat kming mga anak pero 2 lamang ang pumirma s papel, at 2 dn kaming hindi pumirma s halagang 30,000..
> Pwede p po b nmin mabawi ang rights at muli kming mkbalik s lugar nmin..Patay na po ang nanay ko n isa s pumirma..
> Sana po inyo kaming tulungan na maibalik s amin ang rights n para s aming mga anak.. para na rin po s alaala ng aking mga magulang..
> Kami po ay ngsusumamo na tulungan nyo kami n maipaglaban ang karapatan naming mga anak na mgkaroon …