top of page
Search
BULGAR

Pagpapasahod sa panahon ng kalamidad o sakuna

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Oct. 3, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Ako ay nagtatrabaho bilang isang call center agent sa isang kumpanya. Kamakailan, nagsuspinde ng pasok ang gobyerno dahil sa malawakang pagbaha. Ngunit, kami ay pinapasok pa rin sa trabaho. Nahuli ako ng pagpasok ng isang oras dahil sa mataas na lebel ng baha sa aming lugar dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan. Nang makita ko ang aking payslip sa buwang iyon, ako ay nabawasan ng sahod dahil sa aking pagka-late ng araw na iyon. Sa hirap ng buhay, malaking bagay na para sa akin ang nabawas na halaga sa aking suweldo.  Wala bang konsiderasyon na maibibigay sa akin? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat. — Myzel


 

Dear Myzel,


Ang kapakanan ng mga manggagawa sa panahon ng kalamidad at sakuna ay binibigyang prayoridad at kahalagahan ng ating pamahalaan at batas. Kaya naman, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay mayroong patakaran sa pagpapasahod sa panahon ng kalamidad o sakuna. 


Sa ilalim ng Section 2(b) ng Labor Advisory No. 17 series of 2022 ng DOLE, o kilala bilang Advisory on Suspension of Work in the Private Sector by Reason of Weather Disturbances and Similar Occurrences, ang mga empleyadong nakapagtrabaho ng hindi bababa sa anim na oras ay may karapatan sa buong araw na sahod. Ayon dito:


Section 2. Payment of Wages. - The following pay rules shall apply: 


(b) If worked - The employee is entitled to full regular pay provided that he/she has rendered work for not less than six (6) hours. If less than six (6) hours of work, the employee shall only be entitled to the proportionate amount of the regular pay, without prejudice to existing company policy or practice more beneficial to the employee. 


To alleviate the plight of employees during weather disturbances and similar occurrences, employers may provide extra incentives or benefits to employees who reported to work on the said days.”


Para sagutin ang iyong katanungan, ang sinumang empleyado na nagtrabaho nang hindi bababa sa anim na oras sa panahon ng pagsususpinde ng trabaho dahil sa mga abala sa panahon at iba pang katulad na mga pangyayari ay may karapatang tumanggap ng buong walong oras na suweldo sa trabaho. Kung ang iyong ipinasok ay hindi bababa sa anim na oras, hindi ka maaaring mabawasan ng sahod sa araw na iyong ipinasok. 


Sa kabilang banda, kung ang empleyado ay nagbigay ng mas mababa sa anim na oras ng trabaho, siya ay may karapatan lamang sa proporsyonal na halaga ng kanyang regular na suweldo, nang walang pagkiling sa umiiral na patakaran ng kumpanya o pagsasanay (practice) na mas kapaki-pakinabang sa empleyado.


Samantala, ayon sa Section 2(a) ng parehong Labor Advisory, ang empleyadong hindi pumasok ay walang karapatan sa regular na suweldo, maliban kung mayroong isang mas kaaya-aya na patakaran ng kumpanya, kasanayan, o collective bargaining agreement na nagbibigay ng pagbabayad ng sahod sa nasabing araw o kapag pinahintulutan ang empleyado na gamitin ang kanyang naipon na mga kredito sa bakasyon. Ayon dito:


Section 2. Payment of Wages. - The following pay rules shall apply: 


  1. If unworked - The employee is not entitled to regular pay, except when there is a favorable company policy, practice, or collective bargaining agreement granting payment of wages on the said day or when the employee is allowed to utilize his/her accrued leave credits;”


Sa panghuli, ayon sa Section 3 ng parehong Labor Advisory, sinumang empleyado na mabigo o tumanggi na magtrabaho dahil sa napipintong panganib dulot ng masamang panahon at katulad na mga pangyayari ay hindi maaaring mabigyan ng anumang administratibong parusa.


Section 3. No liability in case of Failure or Refusal to Work. - Employees who fail or refuse to work by reason of imminent danger resulting from weather disturbances and similar occurrences shall not be subject to any administrative sanction.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page