top of page

Pagpapalaganap at pagtataguyod ng rubber trees

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 5, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


May mga nakikita akong rubber trees malapit sa aming komunidad. Alam kong malaking tulong ang nasabing puno dahil ito ang pangunahing pinagmumulan ng produktong rubber. Dahil dito, nais ko lang malaman kung may batas ba tayo na tumutukoy sa regulasyon ng mga nasabing rubber trees? Salamat sa inyong tugon. — Malu



Dear Malu,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Republic Act (R.A.) No. 10089, na kilala rin sa tawag na “Philippine Rubber Institute Act of 2010”, kung saan nakasaad, partikular sa Seksyon 4 nito, na:


Section 4. Creation of the Philippine Rubber Research Institute. - There is hereby created the Philippine Rubber Research Institute, hereinafter referred to as the PRRI, which shall be under the control and supervision of the Department of Agriculture (DA).


Nakasaad sa nasabing probisyon ng batas na binubuo ang isang Philippine Rubber Research Institute (PRRI) na sasailalim sa pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA). Ang mga pangunahing kapangyarihan at tungkulin ng PRRI ay ang mga sumusunod, ayon sa Seksyon 5 ng R.A. 10089:


Section 5. Powers and Functions of the PRRI. - The PRRI shall have the following powers and functions:


  1. Propagate and promote the planting, maintenance, as well as wise utilization of rubber trees as source of latex and finished rubber products;

  2. Enable rubber producers and processors, especially smallholders, to have access to quality rubber tree seedlings, modern production techniques and other support services from production to marketing of rubber produce;

  3. Undertake training and capacity-building programs for rubber producers, processors and cooperatives in order to increase production of quality rubber and raise level of income especially of poor smallholders;

xxx.


Mababasa na ang pinakaunang tungkulin ng PRRI ay ipalaganap at itaguyod ang pagtatanim at pagpapanatili, gayundin ang matalinong paggamit ng mga rubber trees bilang pinagmumulan ng latex at mga produktong goma. Karagdagan dito, ang PRRI ay inatasan din na magbigay sa mga producers at processors ng goma, lalo na ang mga smallholder, ng access sa mga dekalidad na punla ng puno ng goma, mga makabagong diskarte sa produksyon, at iba pang serbisyo ng suporta mula sa produksyon hanggang sa marketing ng mga produktong goma. Ilan lamang ito sa mga tungkulin ng PRRI upang masigurado na maayos ang regulasyon patungkol sa mga rubber trees.


Ang nasabing batas ay base sa polisiya ng pamahalaan na bumuo ng mga industriyang kayang tumayo sa sarili na epektibong kontrolado ng mga Pilipino, hikayatin ang pamumuhunan at magbigay ng mga insentibo sa pribadong negosyo, isulong ang trabaho at mga oportunidad sa kabuhayan para sa mahihirap, tiyakin ang balanseng ekolohiya sa paggamit ng likas na yaman para sa mga layuning pang-industriya, at unahin ang edukasyon at pagsasanay, partikular sa agham at teknolohiya para sa napapanatiling pag-unlad. Upang ito ay masigurado, ginawang batas ng pamahalaan ang pagtatatag sa Philippine Rubber Research Institute na mangangasiwa ng mga programa at proyektong naglalayong palakihin ang produksyon ng goma sa bansa, at mapabuti ang kalidad ng buhay, lalo na ng  mga mahihirap na komunidad sa kanayunan na pangunahing umaasa sa industriyang ito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page