top of page

Pagpapakasal muli ng isang biyuda

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 22, 2023


Dear Chief Acosta,


Namatay ang aking pinsan, limang (5) buwan na ang nakalipas. Siya po ay may naiwang asawa at tatlong (3) anak.


Nagulat na lamang po kami nang ikinasal ang kanyang naiwang asawa noong nakaraang linggo sa kaibigan din ng aming pinsan. Hindi po namin ito matanggap.


Sabi ng isa kong kakilala, may batas daw na maaaring


magparusa sa kanyang ginawa. Tama po ba ito? — Gabbie


Dear Gabbie,


Para sa iyong kaalaman, maaaring ang binabanggit ng iyong kakilala ay ang Artikulo 351 ng Revised Penal Code. Ang nabanggit na probisyon na ito ang nagbibigay ng depinisyon at kaparusahan sa tinatawag na premature marriages. Ayon sa nabanggit na probisyon:


“Art. 351. Premature marriages. — Any widow who shall marry within three hundred and one days from the date of the death of her husband, or before having delivered if she shall have been pregnant at the time of his death, shall be punished by arresto mayor and a fine not exceeding 500 pesos.


The same penalties shall be imposed upon any woman whose marriage shall have been annulled or dissolved, if she shall marry before her delivery or before the expiration of the period of three hundred and one day after the legal separation.” (Binigyang-diin) Subalit, ang nabanggit na probisyon ng Revised Penal Code ay naipawalambisa na sa pamamagitan ng Republic Act Number 10655 na may pamagat na “An Act Repealing the Crime of Premature Marriage Under Article 351 of Act No. 3851, Otherwise Known as the Revised Penal Code,” na naaprubahan sa Kongreso noong ika-15 ng Marso 2015. Ayon sa nasabing batas:


“Section 1. Without prejudice to the provisions of the Family Code on paternity and filiation, Article 351 of Act No. 3815, otherwise known as the Revised Penal Code, punishing the crime of premature marriage committed by a woman, is hereby repealed.”


(Binigyang-diin)


Samakatuwid, sapagkat naipawalambisa na ang probisyon ng batas na nagpaparusa sa muling pagpapakasal ng isang babaeng namatayan ng asawa sa loob ng tatlong daan at isang (301) araw mula nang pumanaw ang kanyang asawa, walang batas na nilabag ang asawa ng namatay mong pinsan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page