top of page
FRANKLY - ELLEN, UMAMING 1 YR. NANG WALANG SEX-G _maria.elena.adarna.jpg

Pagod nang magkuskos ng CR sa Tate… LJ, BALIK-‘PINAS, GUSTONG UMARTE ULI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 6, 2026



BULGARY - LJ, BALIK-‘PINAS, GUSTONG UMARTE ULI-IG _thelollicakechic

Photo: IG _thelollicakechic



Bumalik na sa Pilipinas ang Kapuso actress na si LJ Moreno kasama ang kanyang pamilya kaya’t tanong agad ng mga kaibigan niya sa press ay kung babalik ba siya sa showbiz? 


Inamin ng dating aktres na gusto niyang bumalik dahil nami-miss niya ang pag-arte at pagho-host matapos ang anim na taong paninirahan sa United States (US).

Ibinahagi rin ni LJ na ang pag-uwi ay isang bagay na matagal na niyang ipinagdarasal kahit masaya siya sa karera ni Jimmy Alapag sa ibang bansa.


Kamakailan lamang ay lumipat ang pamilya nila sa Pilipinas kasunod ng pagtalaga kay Jimmy bilang head coach ng NLEX Road Warriors.


Guest kamakailan si LJ sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), kung saan prangka niyang ibinahagi ang tungkol sa buhay sa ibang bansa, pagiging ina at ang posibilidad na makabalik sa pag-arte at pagho-host.


“Anim na taon na ang nakalipas at matagal ko ‘tong ipinagpe-pray. Kahit na masaya ako sa karera n’ya (Jimmy) at sa lahat ng mga bagay na ‘yun, pero wala talagang lugar na katulad ng sarili kong tahanan, Tito Boy.


“Gusto ko. Like, being in the States, sabi ko, parang sobrang napagod ako sa States. And the last year or so, parang sabi ko, na-miss ko nang mag-actor or mag-host, you know what I mean? Getting make-up again, not being in a hoodie, no more kuskos-kubeta and all that,” pahayag ni LJ Moreno.





Parang anak na lang daw niya… 

ERIC, INAMIN ANG RELASYON NILA NI KIM


NATSITSISMIS sina Eric Fructuoso at Kim Rodriguez dahil nakikitang laging magkasama ang dalawa.


Guest sa vlog ni Susan Enriquez ang aktor at ipinaliwanag niya kung bakit nagkakasundo sila ni Kim.


Direktang tinanong ng host kung may relasyon ba sila.

Mabilis ang sagot ni Eric na, “Hindi.”


Paliwanag niya, “Sasabihin ko, ‘yung si Kim ang buddy-buddy ko talaga kasi magkalapit lang kami. Somewhere within the area rin.”


Dagdag pa niya, “Actually, ang totoo n’yan, masakit man sabihin, parang feeling ko minsan, ‘pag kasama ko s’ya, parang kasama ko ‘yung anak ko. Pareho silang kilos, pareho silang makulit.”


Tinalakay din ng aktor kung bakit sila palaging nakikitang magkasama sa mga posts sa social media.


Sey niya, “Ang linya ko kasi, papuntang healthy lifestyle. S’ya, ganu’n din.

“Isa pang close namin, si Mark Manicad. Kaming tatlo talaga ang magba-buddies.


Nataon lang na mas malayo ang bahay ni Mark at mas tamad s’yang lumabas.

"So, ‘yun lang ang difference. Kaya kami ni Kim ang madalas magkasama.”


Sa parehong panayam, ibinahagi rin niya ang struggles na naranasan niya matapos umabot sa 220 pounds ang kanyang timbang noong 2025.

Inamin niyang naapektuhan nito ang kanyang kumpiyansa at pang-araw-araw na buhay.


Ibinahagi niyang naging inspirasyon iyon upang mas alagaan ang kanyang kalusugan matapos niyang mapagtantong nakikipaglaban siya sa depression. Isa pa, ibinahagi rin niya na mayroon siyang gerascophobia (takot na tumanda).

Inihayag niya na bata pa siya, nakikita na niya ang mga stressed at pagod na matatanda, kaya’t nabago ang pananaw niya sa pagtanda.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page