top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Paglabag sa pangingisda, may multa na, kulong pa!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 10, 2021



Dear Chief Acosta,

Dahil sa hirap ng buhay ngayon, plano sana naming mangisda sa idineklarang marine protected area sa aming munisipyo. Pinagsabihan kami ng isa kong kaibigan na bawal ang aming gagawin at maaari kaming maparusahan. Nais sana naming malaman kung totoo ba ang sinasabi ng aking kaibigan. – Usher


Dear Usher,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R. A.) No. 10654, o mas kilala sa tawag na An Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing, Amending Republic Act 8550, Otherwise Known As “The Philippine Fisheries Code of 1998, “and For Other Purposes. Nakasaad sa Section 101 ng nasabing batas na:


“Section 101. Fishing in Marine Protected Areas, Fishery Reserves, Refuge and Sanctuaries. – It shall be unlawful to fish in marine protected areas, fishery reserves, refuge, or fish sanctuaries as declared by the Department or the LGUs.


Upon a summary finding of administrative liability, the offender shall be punished with confiscation of catch and gear, and administrative fine of twice the value of the catch or the amount indicated below, whichever is higher:


(1) Twenty thousand pesos (P20,000) for municipal fishing: Provided, That if the offender fails to pay the fine, community service shall be rendered;


x x x


Upon conviction by a court of law, violation of this provision shall be punished by imprisonment of two (2) years to six (6) years and a fine twice the amount of the administrative fine, confiscation of catch and gear, and cancellation of license or permit.” (Binigyang-diin)


Ayon sa nasabing batas, kukumpiskahin ang mga gamit sa pangingisda ng sinumang mapatunayang nangisda sa marine protected area sa kanilang munisipyo, matapos ang administratibong imbestigasyon. Bukod pa rito, ang nagkasala ay magbabayad ng multang katumbas ng dobleng halaga ng kanyang nahuli o P20, 000 alinman ang mas mataas sa dalawa.


Kung ito ay mapatunayan naman sa korte, ang nagkasala ay maaaring maparusahan ng pagkakakulong ng dalawang taon hanggang anim na taon at pagmumulta ng doble sa halaga ng administrative fine, pagkumpiska ng mga gamit sa pangingisda at pagkansela ng kanyang lisensiya o permit.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page