Paglabag sa medical contract o medical negligence?
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 4, 2022
Dear Chief Acosta,
Nang maoperahan ang aking ama, nagkamali ang kanyang doktor ng paghiwa at pagkabit ng kanyang bituka, na nagsanhi ng komplikasyon. Hindi nasunod ang uri ng medical procedure na una nilang napag-usapan ng doktor at kinailangan pa nga siyang masalinan ng dugo. Sumailalim ng panibagong operasyon ang aking ama upang itama ang pagkakamali.
Sanhi na lagpas na sa limang taon nang maisipan ng aking ama na kasuhan ang doktor, maaari bang ituring na paglabag sa medical contract para pumasok sa 10 taong prescriptive period imbes na medical negligence na hanggang apat na taon lamang para maisampa bilang kaso? - Roy
Dear Roy,
Para sa inyong kaalaman, ayon sa ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Paolo Anthony C. De Jesus Vs. Dr. Romeo F. Uyloan, substituted by his wife Salvacion Uyloan, Asian Hospital and Medical Center and Dr. John Francois Ojeda (G.R. No. 234851, 15 February 2022, Ponente: Honorable Chief Justice Alexander G. Gesmundo) hindi maaaring maituring na paglabag sa medical contract ang naging kapabayaan ng doktor kung hindi naman nilimitahan at ipinangako sa nakasulat na kontrata ang magiging sakop ng interbensyon ng doktor sa prosesong-medikal na kanyang gagawin sa pasyente. Pakatandaang maaari naman talagang mapanagot ang mga nagkakamali ng doktor bilang medical negligence, sa ilalim ng batas tungkol sa quasi-delict (Article 2176, New Civil Code) at magagawa ito sa loob ng apat na taon magmula nang maganap ang medical negligence.
Ayon sa kasong ito:
“The fact that the physician-patient relationship is consensual does not necessarily mean it is a contractual relation, in the sense in which petitioner employs this term by equating it with any other transaction involving exchange of money for services. Indeed, the medical profession is affected with public interest. Once a physician-patient relationship is established, the legal duty of care follows. The doctor accordingly becomes duty-bound to use at least the same standard of care that a reasonably competent doctor would use to treat a medical condition under similar circumstances.
Breach of duty occurs when the doctor fails to comply with, or improperly performs his duties under professional standards. This determination is both factual and legal, and is specific to each individual case. If the patient, as a result of the breach of duty, is injured in body or in health, actionable malpractice is committed, entitling the patient to damages.
In the light of the foregoing, We hold that a mere reference to an implied contract between the physician and the patient in general is insufficient for pleading a cause of action under the contract theory of professional malpractice. An action for medical malpractice based on contract must allege an express promise to provide medical treatment or achieve a specific result.”
Samakatwid, kung hindi nakasaad ang pagkakasundo ng inyong ama at ng kanyang doktor na may takdang pangako o limitasyon sa kontrata tungkol sa kanyang operasyon, hindi ito maituturing na paglabag ng medical contract at papasok lamang bilang kapabayaan (medical negligence). Dahil dito lagpas na sa prescriptive period ang pagsasampa ng kaso laban sa doktor ng inyong ama.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments