Pagkuha ng DSWD Travel Clearance ng mag-a-abroad
- BULGAR

- Sep 11
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 11, 2025

Dear Chief Acosta,
Ang anak ko na 17 taong gulang ay may planong mag-aral sa ibang bansa. Siya ay isang dual citizen at siya ay may banyagang pasaporte. Ito ang kanyang unang beses na pag-alis na hindi kami kasama. May nakapagsabi sa amin na kakailanganin niya ng DSWD Travel Clearance upang makaalis mag-isa. Totoo ba ito, kahit kasama naman niya sa pag-alis ang kanyang nakatatandang kapatid na nasa legal na edad na? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat. -- Mardy R
Dear Mardy R,
Kinikilala ng ating pamahalaan ang pangangailangan na protektahan ang mga kabataan laban sa trafficking at iba pang mga krimen. Bilang kabilang sa mahinang sektor ng lipunan, itinakda ng ating pamahalaan ang mga panuntunan para sa pag-alis ng mga menor-de-edad sa bansa kung hindi nila kasama ang kanilang mga magulang.
Ang Administrative Order (AO) No. 12 Series of 2017 na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong 10 Nobyembre 2017 o at mas kilala bilang “Omnibus Guidelines for Minors Travelling Abroad,” ang naglalahad ng kung sino ang mga kailangan at hindi kailangang kumuha ng sertipikasyon mula sa DSWD. Ayon sa Item No. 6(a), Part VI ng nasabing Order:
“VI. General Policies x x x
3. Issuance of travel clearance covers only the Filipino minor as defined in this guideline using Philippine passport for their travel outside the Philippines with a person other than his/her parent/s, legal guardian or person exercising parental authority/legal custody over him/her.”
Kaugnay nito, ang mga minors na kinikilala ng Order ay nakasaad sa Item No. 1, Part IV, nito:
“1. Minor (also referred to herein as “Child”) - as defined in RA 7610 refers to a person below eighteen (18) years of age or one who is over eighteen (18) but is unable to fully take care of or protect himself/herself from abuse, neglect, cruelty, exploitation, or discrimination because of physical or mental disability or condition.
Legitimate or marital Children - refers to children conceived or born during the marriage of the parents
Legitimated children- refers to children whose birth is legalized by legitimation defined as a remedy by means of which those who in fact were not born in wedlock and should, therefore, be considered illegitimate, are, by fiction, considered legitimate, it being supposed that they were born when their parents were already validly married. (1 Manresa 550, as cited on p. 251, Handbook on Family Code of the Philippines, Alicia V. Sempio-Diy).
Foster child - refers to a child placed under foster care
Illegitimate or non-marital children - refers to children conceived and born outside a valid marriage.
Married minors - as operationally defined in this guideline, refers to persons below 18 years old who by virtue of their cultural and religious affiliations and other tribal or indigenous practices were considered married such as those children whose marriages were arranged at an early age.”
Malinaw sa nasabing Order na ang mga kinakailangan lamang na kumuha ng DSWD travel clearance ay ang mga batang aalis ng bansa na gumagamit ng Pilipinong pasaporte. Dagdag pa riyan, ito ay kinakailangan lamang kung ang mga bata ay aalis ng bansa nang hindi kasama ang kanilang mga magulang o taong mayroong parental authority o legal na kustodiya sa kanya.
Upang sagutin ang iyong katanungan, maaaring hindi na kumuha ng DSWD travel clearance ang iyong anak kung ang kanyang gagamiting pasaporte ay ang banyagang pasaporte na mayroon siya. Base sa nasabing Order sa itaas, ang DSWD travel clearance ay ibinibigay lamang sa mga batang gumagamit ng Pilipinong pasaporte na aalis ng bansa.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.








Comments