Pagkilala sa mga atletang Pinoy na naghatid ng karangalan sa ‘Pinas
- BULGAR

- Aug 7
- 5 min read
ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | August 7, 2025

Isang malaking karangalan na nakasama natin nitong Lunes, August 4, ang isang tunay na living legend sa larangan ng chess — si Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio, Jr.
Binisita niya tayo sa Senado para ibahagi ang mga hinakot niyang karangalan mula sa iba’t ibang international tournament. Hindi lang siya basta champion, simbolo rin siya ng tiyaga, disiplina, at galing ng atletang Pilipino!
Nito lamang nakaraang buwan, walong medalya, kabilang na ang apat na ginto, ang iniuwi ni GM Joey mula sa 23rd ASEAN Plus Age Group Championships sa Malaysia. Umabot naman siya sa championship match ng Melbourne Chess Open sa Australia noong Abril. Full support tayo sa kanyang pagsabak sa World Seniors Chess Championships sa Italy sa darating na Oktubre.
Bisita rin natin sa Senado sa araw na iyon ang Pilipinas 45-Up Basketball Team na kampeon sa 2025 World Masters Games sa Taiwan. Pinabilib din tayo ng batang arnis team ng Baclaran Elementary School Unit 1 na nanalo kamakailan sa isang interschool competition sa Parañaque City. Proud ang inyong Senator Kuya Bong Go na nagpasalamat sa ating mga atleta para sa karangalang hatid at hahakutin pa para sa ating bansa.
Ngayong 20th Congress ay muli tayong itinalaga bilang Chairman ng Senate Committee on Sports. Patuloy nating isusulong na mas palakasin ang grassroots sports program para mas marami pang kabataang Pilipino ang ma-develop at makilala sa international stage. Patuloy din nating ipaglalaban ang mas pinalawak na suporta para sa ating national athletes. Malaking tulong sa ating mga atleta kung wala na silang ibang iniisip kundi ang mag-training.
Sa tulong ng mga kapwa ko mambabatas, sisikapin nating maipasa ang Senate Bill No. 171 para sa pagtatatag ng mga regional campus ng National Academy of Sports; Senate Bill No. 407 para sa mas inklusibong insentibo ng ating mga para-athlete; Senate Bill No. 413 upang ma-institutionalize ang Philippine National Games; at Senate Bill No. 678 para sa pormal na pagtatatag ng National Tertiary Games.
Bilang Chairman din ng Senate Committees on Health at on Youth, konektado ang adbokasiya natin sa sports. Bukod sa napapangalagaan ang kalusugan, isang paraan din ito para ilayo ang ating kabataan sa droga at masasamang bisyo. Get into sports, stay away from drugs, to keep us healthy and fit!
Samantala, noong July 30, nakibahagi kami sa pagbubukas ng 5th National Summit ng Philippine Society of Medical Laboratory Scientists (PSMLS) Inc., kasama sina National President Estelita Joji Cadiente at Summit Chair Annalyn Costales.
Noong July 31 naman, personal nating binisita at tinulungan ang 172 biktima ng sunog sa Barangay 93, Zone 8, District 1, Tondo, Maynila. Pagkatapos nito, nagtungo kami sa Rosario, Cavite upang maghatid ng tulong sa pakikipagtulungan sa pamahalaang bayan na pinamumunuan nina Mayor Voltaire Ricafrente at Vice Mayor Bamm Gonzales.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga solo parent, nakatatanda, mag-aaral sa elementarya, senior high school, at kolehiyo, at mga pasyente.
Matapos ang pananalasa ng mga Bagyong Crising, Dante at Emong, na pinalakas din ang epekto ng habagat, maraming kababayan natin ang nawalan ng tirahan. Kaya naman nagtungo ang ating Malasakit Team sa mga komunidad upang maghatid ng tulong.
Sa Tarlac, 1,000 benepisyaryo mula sa iba’t ibang bayan ang naabot, kabilang ang Concepcion kasama si Mayor Noel Villanueva, Camiling, kasama si Mayor Ate Joyce Agustin, Moncada, kasama si Mayor RB Aquino, at Paniqui, kasama si Mayor Katleen Roxas, sa tulong ni Governor Christian Yap. Sa Bataan, 600 ang nakatanggap ng tulong sa Balanga, kasama si Mayor Raquel Garcia at sa Abucay, kasama ang dating mayor na si Robin Tagle.
Nakapaghatid din ng tulong sa 50 katao sa Bagong Silang, Lungsod ng Caloocan. Sa Cavite, 375 pamilyang naapektuhan mula sa Indang at Lungsod ng Imus ang natulungan, sa tulong nina Indang Mayor Vergel Fidel at Barangay Poblacion IV‑A Captain Pet Figueras para sa Imus City. Sa Batangas, 250 ang natulungan sa Tingloy, kasama si Vice Mayor Mikee Alvarez. Sa probinsya ng Quezon, 250 residente mula sa Real ang nabigyan ng tulong sa suporta ni Mayor Julie Ann Macasaet. Samantala, 550 residente sa Rizal ang nakinabang din sa programa.
Sa Laguna, umabot sa 500 katao mula sa mga bayan ng Siniloan, Victoria, Sta. Cruz, Lumban, at Bay ang natulungan, sa suporta nina Barangay Pag‑asa Captain Hermie Bidanya sa Bay, Konsehal Grevi Pahutan, at Siniloan Mayor Patrick Go at Vice Mayor Carla Valderama. Sa Pangasinan, 400 katao ang natulungan sa Dagupan City, kasama si Konsehal Danee Canto at sa Mangaldan, kasama si Mayor Bona Fe de Vera.
Sa Occidental Mindoro, 550 residente ang natulungan sa Mamburao, kasama si Konsehal Jenny Villar at sa Paluan, kasama si Mayor Sonnary Pablo, bukod pa sa 550 na natulungan katuwang si Mayor Gloria Constantino. Sa Oriental Mindoro, 500 residente ang nabigyan ng tulong sa Bongabong, kasama si Mayor John Michael Malaluan.
Sa Negros Occidental, kabuuang 2,550 benepisyaryo ang natulungan sa iba’t ibang bayan. Kabilang dito ang mga residente ng Hinigaran, kasama sina Mayor Mary Grace Arceo at Konsehal Xenia Guanco, Bago City, kasama si Mayor Mayette Javellana, Valladolid, kasama si Mayor Ricardo Presbitero Jr., San Enrique, kasama si Mayor Jilson Tubillara, Himamaylan City, kasama si Mayor Raymund Tongson, pati na rin ang mga residente ng Hinobaan.
Sa Antique, 692 katao ang natulungan sa mga bayan ng Sebaste, Culasi, at Tibiao.
Sa Cebu City, 34 biktima ng sunog at 1,571 biktima ng bagyo ang nabigyan ng tulong, katuwang sina Barangay Captains Daniel Francis Arguedo at Jay Bacalso.
Nakibahagi rin ang Malasakit Team sa iba’t ibang aktibidad gaya ng turnover ng Super Health Center sa Barangay Del Carmen at Barangay Digkilaan sa Lungsod ng Iligan kasama si Mayor Frederick Siao, at sa Munai, kasama si Mayor Racma Andamama — lahat sa Lanao del Norte. Dumalo rin kami sa University of Batangas - Batangas City Gawad UBian awards ceremony, kung saan kinilala tayo bilang pangunahing tagapagkaloob ng mga iskolarship.
Isang beses lang tayo dadaan sa mundong ito kaya anumang tulong ang puwede nating ibigay sa kapwa, o anumang karangalan ang puwede nating ialay sa bansa, ay gawin at ibigay na natin ngayon.
Bilang isang atleta, patuloy kong isusulong ang mga batas at polisiya na magbibigay ng sapat na suporta at mag-aangat sa antas ng Philippine sports. Tulungan natin ang ating mga atleta na makamit ang kanilang full potential sa pagsabak sa global arena. At bilang inyong Mr. Malasakit, bisyo ko ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.








Comments