Pagkatapos ng mga mamahaling relo… SHARON, MGA BRANDED BAGS NAMAN ANG IDINISPLEY
- BULGAR

- Oct 29, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 29, 2020

Pagkatapos ipakita via her vlog ang expensive watches collection, ang sunod na na-vlog ni Sharon Cuneta ay ang kanyang bag collection. Gaya sa kanyang watches collection, ang pagpapakita ni Sharon sa kanyang bag collection ay dahil sa request ng kanyang mga fans.
“This is a highly-requested video and I know that many of you have been waiting for this! Sharing with you some of the special pieces from my beloved bag collection.”
Puro branded ang bags ni Sharon, may YSL, Louis Vuitton, Chanel, Prada, Hermes at iba pa.
Sa tanong kung sino ang magmamana sa kanyang mga bags sa kanyang mga anak, ang sagot ni Sharon, “Kung sino ang pinakamabait.”
Pero sa dami ng bags, kahit tig-aapat pa sina KC Concepcion, Frankie at Miel Pangilinan, kayang-kaya. Saka, nagbibiro lang si Sharon dahil sinundan ng tawa ang sinabi.
Also, bago mag-react ang mga bashers, sabi ng fan ni Sharon, para sa kanila ang pagpapakita ng aktres ng kanyang bag collection at hindi para sa mga bashers.





Comments