top of page

Pagkakalat ng private message nang walang pahintulot ng sumulat nito, bawal!!!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 13, 2020
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 13, 2020



Dear Chief Acosta,


Ang dati kong kasintahan at ako ay mahilig gumawa ng love letter sa isa’t isa. Itinago ko pa rin ang kanyang mga liham kahit hiwalay na kami ngayon. Ipinahayag ko minsan sa social media ang ilan sa kanyang mga liham dahil sa pangungulila ko sa kanya. Nagalit siya sa aking ginawa dahil wala diumano akong karapatang gawin iyon. May karapatan ba akong ipahayag ang kanyang mga liham bilang may-ari ng mga ito? – Romeo


Dear Romeo,


Ang inyong katanungan ay binigyang linaw sa Article 723 ng New Civil Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:


“Art. 723. Letters and other private communications in writing are owned by the person to whom they are addressed and delivered, but they cannot be published or disseminated without the consent of the writer or his heirs. However, the court may authorize their publication or dissemination if the public good or the interest so requires.” (Binigyang-diin)

Nakasaad sa nasabing artikulo na ang mga liham o iba pang pribadong kasulatan ay pagmamay-ari ng taong pinagtutuunan at pinaghatidan nito, ngunit hindi ito maaaring ipahayag o ipalaganap nang walang pahintulot ng sumulat nito o ng kanyang mga tagapagmana. Malinaw na sinasabi ng ating batas na wala kayong karapatang ipahayag ang mga liham ng inyong dating kasintahan kahit na kayo pa ang may-ari nito dahil hindi ninyo hiningi ang kanyang pahintulot.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page