top of page

Karapatan at tungkulin ng mga civil servant

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 20, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Sakop ng civil service ang lahat ng sangay, ahensya, subdibisyon, tanggapan at sangay ng pamahalaan, kasama ang mga government-owned or controlled corporations (GOCCs) na may orihinal na charters. Ang civil service ay may dalawang uri ng klasipikasyon, ito ay ang career at non-career service.  


Ayon sa Administrative Code of 1987, “The Career Service shall be characterized by (1) entrance based on merit and fitness to be determined as far as practicable by competitive examination, or based on highly technical qualifications; (2) opportunity for advancement to higher career positions; and (3) security of tenure.” 


Samantala, ang non-career service shall be characterized by (1) entrance on bases other than those of the usual tests of merit and fitness utilized for the career service; and (2) tenure which is limited to a period specified by law, or which is co-terminus with that of the appointing authority or subject to his pleasure, or which is limited to the duration of a particular project for which is employment purpose was made.”


Makikita sa mga nabanggit na klasipikasyon na malaki ang pagkakaiba ng career service sa non-career service, sapagkat walang security of tenure ang mga nasa huli. Sa alin mang sangay ng pamahalaan na ang mga kawani ay may security of tenure, hindi maaaring magsuspinde o magtanggal sa serbisyo ng walang legal na dahilan. Ang pagkakaalis sa serbisyo ng isang kawani ng gobyerno ay maisasagawa lamang matapos na siya ay marinig sa isang parehas at patas na pagdinig.   


Ang career service ay ang mga sumusunod:


  1. Open career positions;

  2. Closed Career positions;

  3. Positions in the Career Executive Service;

  4. Career Officers

  5. Commissioned officers and enlisted men of the Armed Forces of the Philippines;

  6. Personnel of government-owned or controlled corporations which do not fall under the non-career service; and

  7. Permanent laborers, whether skilled, semi-skilled, or unskilled;


Ang non-career service naman ay ang mga sumusunod:


  1. Elective officials and their personnel or confidential staff;

  2. Secretaries and other officials of Cabinet rank who hold their positions at the pleasure of the President and their personal or confidential staff(s);

  3. Chairman or members of the commissions and boards with fixed terms of office and their personal or confidential staff;

  4. Contractual personnel or those whose employment in the government is in accordance with special contract to undertake specific work or job, requiring special skills not available in the employing agency; and

  5. Emergency and seasonal personnel


Ang mga kawani ng pamahalaan na nasa career service, o mga tinatawag na civil servants, ay may mga karapatan katulad ng sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Subalit ang paraan ng paggamit ng mga nasabing karapatan ay iba sa paggamit ng mga pribadong manggagawa dahilan sa kailangang isaalang-alang ang serbisyo sa bayan at sa mga mamamayan. Nabibigyan ng limitasyon ang mga karapatang ito, ayon sa tawag ng tungkulin, dikta ng batas, at utos ng mga nakatataas para sa ikabubuti ng pamayanan at ng buong sambayanan.


Ang lahat ng mga naglilingkod sa pamahalaan at sa mga korporasyong pag-aari at pinamumunuan ng pamahalaan na may orihinal na charter, maliban sa mga manggagawang nasa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ay may karapatang bumuo, sumali, o tumulong sa pagbuo ng isang organisasyon na kanilang pinili para sa ikalalawig at proteksyon ng kanilang mga interes. Maaari rin silang bumuo, sa pakikipagtulungan sa mga kaukulang awtoridad ng pamahalaan, ng labor-management committees, work councils at iba pang uri ng pakikibahagi ng mga manggagawa sa mga aktibidades upang makamit ang kaparehong layunin (Section 38, E.O. No. 292)


Bukod sa mga nabanggit na manggagawa, ang mga manggagawa naman na humahawak ng posisyon na ang trabaho ay tinatawag na policy making, managerial, o gumagawa ng mga tungkuling itinuturing na highly confidential ay hindi maaaring makilahok sa organisasyon ng mga rank-and-file na manggagawa ng pamahalaan. (Section 39, E.O. No. 292)


Subalit ang karapatang ito ay limitado sa paghahain ng petisyon sa mga kinauukulan upang bigyan ng pansin ang kanilang mga hinaing. Hindi pinahihintulutang mag-alsa (strike) ang mga manggagawa sa pamahalaan katulad ng mga nasa pribadong kumpanya dahil na rin sa ang kapakanan ng sambayanan ang nakasalalay.


May mga pagkakataon din na ang mga manggagawa sa pamahalaan ay kinakailangang magtrabaho ng lampas sa takdang oras dahil sa tawag ng tungkulin. Sa ganitong pagkakataon ay hindi sila maaaring manghingi ng overtime pay para sa bawat oras na pagtatrabaho ng lampas sa takdang oras katulad ng isang manggagawa sa pribadong kumpanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page