Pagkakakulong, multa at community service sa magtatapon ng basura sa pampublikong lugar

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 20, 2020
Dear Chief Acosta,
Sinita ko ang aking kapitbahay sa pagtatapon niya ng basura sa gilid ng daan ngunit sinabi niyang wala namang ordinansa ang barangay hinggil dito. Kadalasan din ay nililinis naman ito ng mga volunteer sa aming barangay. May batas ba na maaaring magbawal sa kanyang gawain? – Quier
Dear Quier,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act No. 9003 o mas kilala sa tawag na Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Nakasaad sa Section 48 (1) ng nasabing batas na:
“Section 48. Prohibited Acts - The following acts are prohibited.
x x x
1) Littering, throwing, dumping of waste matters in public places, such as roads, sidewalks, canals, esteros or parks, and establishment, or causing or permitting the same; x x x”Samakatwid, ipinagbabawal ng batas na ito ang pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar tulad ng mga daan, bangketa, kanal, estero o parke at mga establisimyento, o pagiging sanhi o pagpayag sa ganitong gawain.
Nakasaad sa batas na ito na ang sinumang lumabag ay mapaparusahan ng kulong ng isang araw hanggang 15 araw. Maaari rin silang magmulta ng halagang P300hanggang P1,000 o pagawain ng community service. Maaari ring maipataw ang parehong kaparusahan batay sa diskresyon ng korte.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Attorney magandang araw po. Kami po ay humihingi ng tulong kung dapat nga po ba kami managot sa pagkakamatay ng kambing ng aming kabitbahay. Sa bundok po nakatira ang mga aso namin,nakawala po ang kanilang kambing na buntis. Hindi po namin lubos maisip na magagawa un ng aming aso dahil hindi naman po nanugod ang mga aso sa kulungan ng mga kambing. Nakita na rw po nila patay na ang kambing at kinakain na ng mga aso na ibat iba naman ang amo pero iginigiit po nya na aso raw po namin un. May video po sya nakunan at ibang aso naman tinuturo,hindi amin. Tapos binago na naman statement na un raw nga po aso namin nangagat dahil un raw…