top of page

Paggamit ng apelyido ng ama ng ilehitimong anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 21, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Isa akong ilehitimong anak na gumagamit ng apelyido ng aking ina sa lahat ng mga dokumento ko. Kamakailan lamang ay nais ng aking biyolohikal na ama na gamitin ko ang kanyang apelyido. Maaari ba niya akong pilitin na gamitin ang kanyang apelyido? -- Xyriel



Dear Xyriel,


Ang kasagutan sa iyong tanong ay matatagpuan sa Artikulo 176 ng Family Code of the Philippines. Dito ay nakasaad na: 


Article 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. However, illegitimate children may use the surname of their father if their filiation has been expressly recognized by the father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father. Provided, the father has the right to institute an action before the regular courts to prove non-filiation during his lifetime. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child.”

  

Sang-ayon sa nabanggit, ang mga ilehitimong anak ay kailangang gamitin ang apelyido, at dapat nasa ilalim ng awtoridad at pangangalaga ng kanilang ina. Subalit maaari rin naman nilang gamitin ang apelyido ng kanilang ama kung ang kanilang relasyon ay mapatutunayan. Sa kasong In re: Petition for Cancellation of Certificates of Live Births of Yuhares Jan Barcelota Tinitigan and Avee Kynna Noelle Barcelote Tinitigan Jonna Karla Baguio Barcelote vs. Republic of the Philippines (G.R. No. 222095, August 7, 2017, sa panulat ni Honorable Associate Justice Antonio T. Carpio), ipinaliwanag ng Kataas-taasang Hukuman na:


"The use of the word ‘may’ in Article 176 of the Family Code, as amended by RA 9255 readily shows that an acknowledged illegitimate child is under no compulsion to use the surname of his illegitimate father. The word ‘may’ is permissive and operates to confer discretion upon the illegitimate children.”


Kaya’t sa iyong kalagayan, hindi maaaring sapilitang ipagamit sa iyo ng iyong ama ang kanyang apelyido. Ang paggamit ng apelyido ng ama ng isang ilehitimong anak ay isang karapatan at hindi obligasyon kaya’t nasa iyong pagpapasya pa rin kung tatanggapin mo ang paggamit ng kanyang apelyido o hindi.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page