Paggamit ng antigen test sa mga turista, 'di pasado sa IATF
- BULGAR
- Sep 14, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | September 14, 2020

Pag-aaralan muli ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng rapid antigen testing sa mga turistang papasok ng Pilipinas matapos makatanggap ng rekomedasyon sa World Health Organization ngayong Lunes.
Ayon kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang IATF Resolution No. 69 o ang paggamit ng antigen test kapalit ng RT-PCR test sa mga asymptomatic na turista ay nakitaan umano ng problema ng WHO.
Aniya, “Sabi ng WHO recommendation, it is not advisable to use it sa borders. Magkakaroon ng effect sa ginagawang guidelines, we recommended this be used sa borders and incoming tourists.”
Kaya naman isasailalim muli ito sa review ng mga health experts at IATF upang masiguro na maisasagawa pa rin ang mga guidelines na inihain sa bansa na may rekomendasyon ng global health expert.
Ang antigen test ay ginagamit upang makita ang unique part ng Coronavirus tulad ng specific protein at kapag ito ay na-detect, masasabing positibo ito sa test.
Comments