top of page
Search

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | January 9, 2021




Hello, Bulgarians! Matapos ang successful Pooled Swab Testing sa bansa, pinasalamatan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion ang Department of Health (DOH) sa pagpirma sa Interim Guidelines on the Conduct of COVID-19 Pooled Testing sa ilalim ng Department Memorandum No. 2020-0539.


Aniya, “Now, the most important thing is that testing will be faster, and the capacity will increase. Pool testing is efficient as it would bring the cost to around 750 pesos in the pool of 5, versus 750 for only one individual.”


Maraming LGUs ang natulungan ng pooled testing simula pa noong Setyembre. Ilan sa mga ito ay ang Makati City, Southern Iloilo, Pasig City, Pasay City at Quezon City na nakapagpa-test na ng halos 15,012 indibidwal.


Sa inilabas na pahayag ni Makati City Mayor Abby Binay, sinabi nitong, “Companies and businesses with large workforces can continue securing the health and safety of their employees by signing up for pooled swab tests. This can be done regularly, especially now that the majority of companies have asked their staff to resume working on-site.”


Samantala, naglabas din ng pahayag si Quezon City Mayor Joy Belmonte at sinabing “We appreciate the continuous support of Project Ark in our battle against COVID-19. This initiative complements our testing efforts as we slowly gear towards revitalizing our economy.”


Ang Pooled Swab testing ay inaral ng Philippine Society of Pathologist Incorporated (PSPI), Research Institute of Tropical Medicine (RITM) at Philippine Children’s Medical Center (PCMC). Ang pondong ginamit dito ay pinagsama-samang donasyon ng Go Negosyo kasama ang mga pribadong sektor.


Ayon sa DOH, malaking tulong ang pooled swab test dahil mas madaling natutukoy kung ilan ang positibo sa virus. “Furthermore, it allows the opportunity for testing and targeting even asymptomatic individuals, as well as checking and monitoring areas in the country with low or decreasing COVID-19 prevalence.”


Sa ngayon, sa pangunguna ni Dr. Raymundo Lo, Head ng PCMC COVID-19 Testing Laboratory ay inuumpisahan na ang pag-aaral sa Saliva-Based Testing and Pooled Saliva-Based Testing para sa mas mabilis at mas abot-kayang COVID-19 test sa bansa.

 
 

ni Thea Janica Teh | January 11, 2021





Pinirmahan na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang kasunduan nito sa AstraZeneca COVID-19 vaccine para sa bibilhing 800,000 doses.


Ibinahagi rin ni Moreno na handa na ang storage facility para sa COVID-19 vaccine na matatagpuan sa Sta. Ana Hospital.


Ito ay naglalaman ng 12 units ng refrigerators at 50 units ng transport coolers na parte ng paghahanda sa pagdating ng vaccine sa kanilang lungsod.


Nitong Enero 1, inilunsad na ang pre-registration portal ng COVID-19 vaccination para sa mga residente ng Maynila.


Matatandaang inaprubahan ni Moreno ang supplemental budget na nagkakahalaga ng P200 milyon para sa vaccine na ito. Bukod pa rito, sinabi rin ni Moreno na maaari pa itong madagdagan kung kakailanganin.

 
 

ni Thea Janica Teh | January 9, 2021





Binaha ang malaking bahagi ng Negros Occidental dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa nitong Biyernes.


Ayon kay Zeaphard Caelian, head ng Disaster Management Program Division ng lalawigan, “May mga cities and municipalities po tayo kaninang affected na ng flooding because of torrential rains and light to moderate to heavy to sometimes severe rains dito sa ating area sa province ng Negros Occidental.”


Ilan sa mga lubos na naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha ay ang bayan ng Talisay, Silay, EB Magalona, Victorias, Cadiz, Sagay at Escalante.


Libu-libong katao rin ang tinatayang lumikas sa evacuation centers dahil lampas-tao na ang baha sa kanilang mga tinitirhan. Kaya naman, agad ding tumulong ang Philippine Coast Guard at nagsagawa ng rescue operation.


“'Yung continuous rains talaga ang isang factor, plus marami rin kaming nakitang obstruction sa ating mga river system like mga garbage, siltation ng river banks and river system na nakapag-contribute sa taas ng tubig sa ating area,” kuwento pa ni Caelian.


Samantala, nasa 1,089 pamilya na ang inilikas sa Victorias, habang 200 pamilya naman sa Talisay at 295 pamilya mula sa 19 barangay ng Silay City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page