top of page

P114/litro presyo ng petrolyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 1 min read

by Mai Ancheta @News | March 17, 2026



Jeepney Driver

Photo: File / LTFRB



Posibleng umakyat ng hanggang P114 per liter ang presyo ng diesel sa linggong ito dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East.


Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, sumang-ayon ang Petron, Shell at Flying V na gawing "staggered" o utay-utay ang price increase sa loob ng tatlong araw mula March 17 hanggang 19; habang ang Seaoil at Total ay ipapatupad ang bigtime price hike sa March 17 at 18.


Ayon kay Garin, nagpasabi na ang mga kumpanya na tataas ng tinatayang P20.40 hanggang P23.90 per liter ang diesel habang ang gasolina ay tataas ng mula P12.90 hanggang P16.60 per liter epektibo ngayong Martes; ang kerosene ay tataas naman ng mula P6.90 hanggang P8.90 per liter.


Sa sandaling  maipatupad ang utay-utay na price adjustment sa loob ng linggong ito, ang presyo ng diesel ay tinatayang P94 hanggang P114 per liter sa Metro Manila. 

Ang presyo ng gasolina ay maglalaro sa P76 hanggang P96 per liter .


Sinabi ni Garin na kumikilos na ang gobyerno sa ibang options para sa government-to-government transactions sa China at Russia bukod pa sa ibang bansa upang bumili ng crude oil o finished products.


Muling nanawagan ang DOE sa publiko na magtipid sa konsumo sa langis at maayos na paggamit ng enerhiya upang mapahaba ang supply ng bansa.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page