Imbestigasyon sa SOCE, tinapos na... Marcoleta, walang nilabag na batas — COMELEC
- BULGAR

- 4 days ago
- 1 min read
ni Madel Moratillo @News | March 19, 2025

Photo File: Senate of Philippines
Tinapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang imbestigasyon sa umano’y campaign finance violation ni Senador Rodante Marcoleta.
Sa Comelec en banc resolution na may petsang Marso 18, nakasaad na in-adopt ng poll body ang rekomendasyon ng kanilang Political Finance and Affairs Department (PFAD) na itigil na ang fact-finding investigation sa senador.
Ang ugat ng imbestigasyon ay sa pahayag umano ng senador patungkol sa isyu sa discrepancy sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at election expenses.
May ilang donor ang hindi umano naideklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures dahil humiling umano itong itago ang pagkakakilanlan.
Sabi ng Comelec PFAD, bigo si Marcoleta na makasunod sa Section 109 ng Omnibus Election Code (OEC) patungkol sa detailed reporting ng contributions, pero hindi na umano ito maituturing na election offense.




Comments