Impeachment trial vs. VP Sara, kasado na
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Madel Moratillo @News | March 19, 2025

Photo File: OVP
Idineklarang sufficient ng House Committee on Justice ang grounds ng dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Dahil dito, magkakaroon na ng public hearing dito na sisimulan sa susunod na linggo.
Itinakda ang pagdinig sa Marso 25 na susundan ng proceedings sa Abril 14, 22, at 29.
Dalawa na lang ang natira sa apat na reklamo na una nang isinampa laban kay VP Sara.
Ang una ay isinantabi dahil lumabag umano sa one-year bar rule habang binawi naman ng petitioners ang ikalawa.
Sa pagdinig kahapon, hiniling ni Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor na ideklarang sufficient in ground ang ikatlong impeachment habang si Deputy Speaker Janette Garin naman ang nagmosyon para sa ikaapat na impeachment.
Walang nag-object kaya idineklarang sufficient ni committee chairperson Gerville Luistro ang grounds.
Tinalakay ng komite ang sufficiency ng grounds dahil umano sa pag-waive ng petitioners sa kanilang right to reply sa formal reply ni VP Sara.




Comments