Pagdukot ng lisensya, shabu nahulog, kagawad kulong

by Jeff Tumbado @News | October 28, 2026

Photo: Arestadomatapos makumpiskahan ng 2 sachet ng shabu ang isang 59-anyos na barangay kagawad mula sa Barugo, Leyte - PNP-PRO8
Arestado ang isang 59-anyos na barangay kagawad mula sa Barugo, Leyte, matapos makumpiskahan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu sa checkpoint sa Brgy. Cayare, San Miguel, Leyte, nitong Lunes.
Ayon sa San Miguel Municipal Police Station, pinara ng mga pulis ang suspek na si alyas Aldo dahil umano sa pagmamaneho ng motor nang walang suot na helmet.
Gayunman, pagkuha niya ng lisensya, nahulog umano ang hinihinalang ilegal na droga. Tinatayang nasa 0.48 gramo ang kabuuang timbang ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu, na may tinatayang street value na P3,264.





Comments