top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagbukas ng pinto, ang aktres ang bumungad… ANDREA, BUKING NA SA BAHAY NA NI DEREK NAKATIRA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2020
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | September 11, 2020




Dati, ang comment lang namin, mala-hotel ang swimming pool ng bago at malaking bahay ni Derek Ramsay. Pero nang makita namin ang video ng buong bahay na in-upload ni Derek, masasabi naming parang hotel talaga ito. Sa living room pa lang, parang hotel na sa laki at ganda.


May mga nagtanong kung nagsasama na sina Derek at Andrea Torres dahil sa video, pagbukas ng pinto, si Andrea pa ang unang nag-hi. Saka lang winelcome ni Derek ang mga makakapanood sa vlog nila at special mention ang AnDrek fans nilang dalawa.


Sa comments, mababasa ang pagko-congratulate nina Ogie Alcasid, Cristalle Belo, Paolo Paraiso, at iba pang kaibigan ni Derek sa bago niyang bahay. Saka, parang hindi takot si Derek na malaman ng mga netizens ang kanyang address dahil kita sa video ang streets kung saan nakatayo ang bahay niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page