PAGBUBUNTIS NI SARAH, KINUMPIRMA NG KAIBIGAN NI MATTEO
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 30, 2026

Photo: FB Matteo Guidicelli
Parang kinumpirma ng isang friend ni Matteo Guidicelli ang tsikang preggy na ang wifey niyang si Sarah Geronimo. Ikinuwento nito ang pagkikita nila ni Matteo sa isang coffee shop. Basahin hanggang sa dulo ang post.
Aniya, “This afternoon at Starbucks QC—deep in a meeting with a colleague, totally unaware someone familiar was right there... until Gianmatteo Guidicelli walked up and said, ‘ka-ila gyud ko ani (kilala kita)!’ Truly caught me by surprise!
“So many shared memories with Matt—from shoots, Airborne Proficiency Jumps, and our days at ISAP. Solid guy, ‘di mayabang, sobrang friendly pa. And even better, he’s a fellow Tiger Rider! Can’t wait for our big bike ride soon, bro. Let’s hit the road!
“P.S. He is soon to be a daddy. Congratulations, bro!”
Ang dating nito sa mga nakabasa ng post, naikuwento ni Matteo sa friend niya na preggy na si Sarah, kaya kampante nitong ipinost. Hindi lang natin alam kung nagpaalam siya kay Matteo na ipo-post ang kanilang napag-usapan.
Anyway, hintayin natin ang formal announcement ng Guidicelli couple sa bagay na ito at kung may ia-announce man sila. Kung walang pahayag, maghintay na lang tayo na magbuntis si Sarah na inaabangan ng marami.
NAPAKA-SWEET ng mukha at boses ng VMX (Vivamax) star na si Julianne Richards, and no offense meant sa ibang VMX star, ang sabi ng press na present sa mediacon ng Pinay Kamasutra 3 (PK3), parang hindi siya sexy star.
Ang datingan ni Julianne ay Star Magic, Sparkle o StarWorx talent na bagay sa drama at romcom project. Ang tingin ng ibang press, kamukha niya sina KC Concepcion at Lovi Poe at kaboses pa ni KC.
Nabanggit ni Julianne na marami na ang nagsabing kamukha nga niya at kaboses pa si KC.
Naiba nga lang ang landas na pinuntirya ni Julianne dahil sexy movies ang mga ginagawa niya at nagpapasilip ng katawan.
Ito ngang PK3, mapangahas ang kanyang karakter at sabi ni Direk Carlo Alvarez, malalaman ang tapang ni Julianne sa sexy scenes if you watch the movie.
Sexy na, talented pa si Julianne who also sings and dances, and in fact, nagpa-sample ito ng sayaw sa mediacon.
Sa tanong kung bakit mahusay siyang sumayaw, “Laking Sexbomb ako. Ginagaya ko silang magsayaw ‘pag napapanood ko sa TV,” sagot nito. Sayang at hindi na siya kinulit na kumanta dahil tiyak, magbibigay din ito ng sample.
Host ang role ni Julianne sa nabanggit na sexy movie at nakatulong na nagho-host siya sa mga events bago dumating ang movie, kaya hindi nahirapan.
Hindi na rin nahirapan si Direk Carlo na paartehin siya.
‘Di na nakatiis, nagsalita na, Miles…
THEA, NA-HURT NA ‘KABIT’ DAW NI ELIJAH, NAPAIYAK
NAGSALITA na si Thea Astley sa pagkaka-link kay Elijah Canlas at kailangan niyang magsalita dahil na-bash siya at inakalang inagaw niya ang aktor kay Miles Ocampo.
Nagsalita si Thea sa Trggd, ang podcast na isa siya sa mga hosts kasama sina Vince Maristela, Cheska Fausto, Jeff Moses at Sean Lucas.
Nilinaw ni Thea na matagal na silang magkaibigan ni Elijah at ang nag-viral na video na makikita silang holding hands was taken out of context. Dahil doon, nakatanggap siya ng bashing at hate comments.
“I’ve never cheated on anyone. I’ve never been the third party in any relationship to my knowledge,” paglilinaw ni Thea.
Naging emotional si Thea habang nagsasalita dahil inakusahan siyang third party sa relasyon nina Elijah at Miles. Ang mas masakit pa, nabasa ng parents niya ang hate comments na ibinato sa kanya.
“Gets ko. Gets ko ‘yung pain ng mga fan. But also, I hope that you could… naiyak tuloy ako. Like, I also hope that you could give me a little bit of grace, like to see the things that I’m being called on the internet kinda hurts too. Like to be called like kabit or malandi. And just to see also my parents’ reactions to seeing some of the comments, parang I also feel hurt for them. To see that I’m being called these names when it’s not true,” pahayag ni Thea.
Nabanggit ni Thea na noong una nang pumutok ang isyu sa kanila ni Elijah, pinili niyang manahimik at hayaang kusang mamatay ang isyu. Noong sobra na siyang naba-bash, doon na niya naisip na may mga isyu na dapat sagutin para lang maging malinaw.
Umaasa si Thea na ngayong nagsalita na siya at nilinaw na friendship lang ang namamagitan sa kanila ni Elijah, titigil na ang pamba-bash sa kanya.





Comments